Isang pasyalan ang nagpa-planong mag-lagay ng floating ball hotels ngayong summer

Floating Hotel Room bubuksan na ngayong summer.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang bisitang mag-papalipas ng gabi sa Huis Ten Bosch (HTB) na pasyalan ay maaaring matulog sa lumulutang sa tubig na hugis bola na mga kwarto na tila mga banka sa itaas ng tubig.

Dalawang hugis na bolang  kwarto para sa mga bisita na may laking 28 square meter sa unang palapag at 5 square meter deck sa ikalawang palapag ang ipinakita sa media nuong ika-6 ng Marso.

Ang maka-bagong disensyong tulugan ay gagamitin upang makapag-byahe pabalik sa nakaraan. Ito ay babyahe pabalik sa Jurassic Island, ipapararanas at ipapakita ng pinakabagong atraksyon ang isang malaki at parang totoong dinosaur na naka-lagak sa isang bakanteng isla na pag-mamay ari ng HTB, ito ay mag-bubukas sa ika-28 ng Abril.

&nbspIsang pasyalan ang nagpa-planong mag-lagay ng floating ball hotels ngayong summer
Dalawang hugis-bilog na floating hotel ang naka-lutang sa Sasebo, Nagasaki Prefecture nuong ika-6 ng Marso. (Asahi)

Ang mga floating hotel ay may sukat na 6.4 metro pahaba, mayroon din itong paliguan, palikuran at telebisyon.

Ang mga pasahero ay sasakay sa mga pa-bilog na bangka sa themed park sa gabi at babyahe ng 6 na kilometro southernwestern sea route papunta sa isla. Ang mga hugis bilog na bangka ay hahatakin ng mas malaking barko.

Susubukan buksan ng HBT ang nasabing serbisyo ng floating hotel ngayong buwan, at plano itong buksan para sa lahat ngayong summer.

Ayon sa presidente ng HBT, “mas maganda kung mapapalago ang negosyo sa hinaharap sa mga ilog at dagat na may kaunting alon sa buong mundo.”

Ayon kay Sawada, ang nasabing atraksyon ay mag-kakahalaga ng mahigit ¥50,000 ($470) at ¥100,000 kada banka.

Source: Asahi
Image:

In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund