Isang papular na ramen chain pinaghihinalaan na nagpapatrabaho ng mga estudyante sa ilegal na oras

Isang sikat na ramenan, ini-imbestigahan dahil sa pag-labag sa tamang oras ng pag-tatrabaho ng mga dayuhang mag-aaral.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Napag-alaman ng Mainichi Shinbunna mag-papasa ng mga papeles sa piskal ang mga pulis laban sa Ichiran, operator ng isang papular na ramen chain at sa mga mag-gagawa nito bago matapos ang linggong ito dahil sa umano’y ilegal na oras ng pagpapa-trabaho sa mga dayuhang estudyante sa kanilang mga kainan.

Ang operator at mga empleyadong naka-talaga sa pamamahala sa pag-tatrabaho sa nasabing ramen shop na naka-base sa Hakata Ward ng Fukuoka ay pinag-hihinalaan na lumabag sa Immigration Control at Refugee Recognition Act.

&nbspIsang papular na ramen chain pinaghihinalaan na nagpapatrabaho ng mga estudyante sa ilegal na oras
Mga dayuhang estudyante napag-alaman na nag-tatrabaho ng ilegal na oras sa isang ramen shop sa Fukuoka. (illustrative image)

Ayon sa mga imbestigador nuong nakaraang taon, ang mga mang-gagawa sa Ichiran headquarters ay hinihinalang pinag-tatrabaho ang ilang mga Vietnamese na estudyante sa kanilang kainan sa Chuo Ward sa Osaka ng mahigit sa itinakdang oras na 28 hours kada linggo.

Inaresto ng Osaka Prefectural police ang isang Vietnamese na babae nuong Nobyembre taong 2017, dahil sa suspetsang pag-labag dahil sa pag-tatrabaho bilang part-time sa Ichiran shop sa Dotonbori Ward sa Chuo Ward ng Osaka ng mahigit sa oras na ipinataw ng immigration control law dahil sa kanyang status of residence.

Mula nuon ay masugid nang hinanap ng mga autoridad ang headquarters ng nasabing restaurant at iba pang mga lokasyon na mayroong ito sangay upang malaman kung mayroong posibleng kasangkot na organisasyon. Bilang karagdagan, 10 dayuhan kasama ang mga estudyanteng Vietnamese sa hinalang pag-labag sa Immigration Control Act.

Source: Mainichi
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund