Isang hapon, kasama ang grupong 052

Saikyou Rap Battles sa Nagoya ngayong March 25

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang 052 ay isang grupo na binubuo nila Camaron Maniquiz aka Toneloker at Dustin Durante aka Double D. Sila ay mga pilipinong residente dito sa Japan. Naisipan nilang gawin ang grupo upang maipakita at maipamalas ang kanilang kakayahan sa pag-rarap. Layunin ng nasabing grupo ang humikayat ng mga taong may mga talento at kakayahan na makipag-laban gamit lamang ang mga salita. Nais din nilang mapalago ang Pinoy Rap Industry sa bansang Japan. Ito ay upang maipakita sa lahat ang talento ng mga Pilipino ay hindi lamang sa pag-gawa kundi sa talas at bilis ng utak sa pag-lipon ng mga salita.

Toneloker and Double D of 052 (Portal Japan/ Sarah Bartolome)

Payo ni Toneloker at Double D sa mga taong may itinatagong talento, “ Huwag kayong mahihiya na ipamalas sa iba ang inyong kakayahan, mag-ensayo at patuloy lang sumulat upang mapalago ang inyong talento sa ganitong kalakalan.”

Inaanyayahan ng 052 ang lahat na pumunta sa kanilang darating na event ngayong ika-25 ng Marso, 2018 「SAIKYOU Rap Battles」 sa  Nagoya Flex Lounge. Maraming bigating pangalan sa larangan ng Rap Industry ang pupunta sa nasabing event, mayroong din na mula pa sa Pilipinas at sa ibang lugar dito sa Japan.

Para sa karagdagang impormasyong tungkol sa ticket ng nasabing event, makipag-ugnayan sa 052 Rap Battles sa Facebook.

Suportahan at ipag-malaki natin ang talentong pinoy!

Image: Sarah Bartolome
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund