Sa Otsu District, sinintensyahan ng korte ang 50 anyos na dating truck driver dahil sa isang aksidente na kinasangkutan nito dahil sa pag-gamit ng kanyang smartphone habang nag-mamaneho sa isang expressway sa western Japan nuong nakaraang taon.
Sinintensyahan ng Otsu District Court si Hiroyuki Maeda ng Niigata Prefecture ng 2 taon at 8 buwan na pagka-bilanggo dahil sa nasabing insidente na kumitil ng buhay ng isang 44 anyos na si Yuji Mizutani at nag-iwan ng pinsala sa 4 na katao, nuong ika-21 ng Nobyembre ng nakaraang taon. 2 taon lamang ang ipinataw na kaparusahan ng prosekyutor sa nasasakdal.
Sinabi ni Maeda nuong dinidinig ang kanyang kaso sa korte, “tumitingin lamang ako ng Map App sa smartphone upang malaman ang oras ng aking pag-dating sa aking destinasyon.”
Habang ipinapaliwanag ang parusa, sinabi ni Judge Teruyuki Imai na masyadong minaliit ng prosekyutor ang antas ng krimen sa mga aksidente na dulot ng mga driver na gumagamit ng smartphone habang nag-mamaneho. Ang nasasakdal ay nasabing “ may kasalanan” dahil hindi naman kailangan gamitin ang nasabing smartphone hanbang nag-mamaneho.
Sa ilalim ng Court System, pinapayagan ang mga pamilya ng biktima na dumalo sa pag-dinig ng isang criminal case. Sinabi sa korte ng 46 anyos na asawa ni Mizutani na ang ginawang aksyon ni Maeda ay maiha-halintulad sa isang mamamatay tao. Dahil kahit alam niyang delikado, patuloy pa rin siyang gumamit ng smartphone habang nag-mamaneho, na ang pag-gamit nito ay maaaring maka-disgrasya o maka-pinsala sa tao.
Bumangga ang truck ni Maeda sa isang sasakyan na dahan-dahang huminto dahil sa trapiko sa Meishin Expressway sa Taga, Shiga Prefecture nuong nakaraang taon. Mayroon pang 3 sasakyan na kasali sa nasabing insidente.
Source: Japan Today
Join the Conversation