7 taon na ang nakalilipas mula nuong niranas ng Japan ang Great East Japan Earthquake sa prepektura ng Miyagi, Onagawa cho. Mahigit 160 na mga residenteng Tsino ang naapektohan sa nasabing kalamidad. Sa kabutihang palad, nailigtas ang lahat na walang pinsalang natamo sa tulong ng mga Japanese staff sa kanilang pinag-tatrabahuhan.
Sa pag-subaybay ko sa kanilang kwento, binisita ko ang isang babae na bumalik na sa China matapos ang nasabing lindol.
Si Gng. Cong Wei, (37) mula sa Dalian City, ay nag-apply ng trabaho sa Japan sa isang local recruitment agency. Ang ginang ay lumipad patungong Onagawa nuong taong 2009. Kung gugunitain ang nakaraan, “ang langit ay kulay asul, ang mga bahay at sasakyan ay maliliit… para akong nasa isang fairy tale world” ani ng ginang. Ngunit biglang nagunaw ang nasabing pantasya dahil sa kalamidad na nangyari nuong ika-11 ng Marso taong 2011.
Matapos maranasan ang isang malakas na pag-yanig ng lupa, si Cong kasama ang 19 pang mga Trainee na tsino sa isang fishing company ay tumayo sa labas ng building na may bahid ng takot at pagka-bigla. Ang isang senior managing director ng kumpanya at patakbong lumabas ng gusali at sinabing “ Huwag kayo dito!”.
Nuong panahong iyon ang butihing lalaki ay nasa edad na 50 anyos. Mahinahon niyang inalalayan ang mga trainee na tsino sa isang mataas na bahagi ng gusali at saka bumalik sa kanyang opisina. Ang sumunod na pangyayari ay nilamon na ng Tsunami ang kanilang gusali.
Bumalik si Cong sa Onagawa nuong Pebrero taong 2012, sinabi niya na “ Ito ang panahon na tumulong.” Kahit na salungat sa kagustuhan niya ang kanyang pamilya sa China ipinag-patuloy niya ang kanyang plano bilang pag-tanaw ng utang na loob sa butihing senior managing director na sumagip sa kanyang buhay bago ito maging biktima at pumanaw dahil sa Tsunami.
Habang nakikitang inaayos ang lungsod, si Cong ay tumira at nag-trabaho ng isang taon at kalahati sa dati na minsan niyang naging tahanan.
Sabi ng ginang, “ Ang nangyaring sakuna ang nag-turo sa akin ng tunay na kahulugan ng pag-mamahal sa kapwa at pag-kakaibigan.”
Nuong taong 2017, si Cong ay nag-lungsad ng kanyang sariling recruitment agency sa Dalian, China. Kabilang sa kanyang mga kinukuha ay ang mga kabataang nais makapag-trabaho sa Japan. Nais ni Cong na maging tulay siya ng mga taong nais baguhin ang kanilang kapalaran, katulad lamang ng nangyari sa kanya 7 taong na ang nakalipas nuong siya ay tinulungan at sinagip ng Senior Managing Director ng kanyang pinag-trabahuhan.
Source: Kinya Fujimoto/Sankei News Image: Wikimedia, Kinya Fujimoto/Sankei News
Join the Conversation