Ipinakita ng Legoland sa Nagoya ang hotel at aquarium sa media

Binuksan ng Legoland Japan sa media ang isang hotel at isang aquarium na itinayo sa tabi ng parke nito sa Nagoya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Binuksan ng Legoland Japan Ltd. sa media noong Huwebes ang isang hotel at isang aquarium na itinayo sa tabi ng parke ng Legoland nito sa Nagoya, bago ang pagbubukas nito sa publiko ngayong darating na Abril.

Ang eight-story na Legoland Japan Hotel, na magbubukas sa Abril 28, ay mayroong 252 guest rooms na dinisenyo na may iba’t ibang mga tema tulad ng pirata, kaharian at Lego Friends.

&nbspIpinakita ng Legoland sa Nagoya ang hotel at aquarium sa media
Legoland Hotel (kaliwa) Sealife Nagoya (kanan) – (Kyodo)

 

Available ang mga guest room mula sa 31,000 yen ($ 293), kasama na ang almusal. Magkakaroon din ng espasyo sa unang palapag kung saan maaaring maglaro ang mga bata sa mga bloke ng lego.

Ang aquarium, na tinatawag na Sea Life Nagoya, ay itinatag sa una at ikalawang palapag ng hotel, na magpapakita ng 150 uri ng mga sea creatures tulad ng mga pating at clownfish. Magbubukas ito sa Abril 15, ayon sa operator ng amusement park.

 

“Nakagawa kami ng isang resort na maaaring kumain at matamasa ng lahat ng miyembro ng pamilya,” sabi ni Torben Jensen, presidente ng kumpanya sa mga reporters.

Hindi ibinunyag ng Legoland Japan ang mga target na bilang nito sa mga bibisita sa aquarium at hotel.

Source and image: Kyodo
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund