Ipatatanggal na ang isa sa delikadong slide sa Japan

Slide sa Asakura Midori no Furusato Park ipatatanggal na bago matapos ang taong 2018.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

“Isa sa pinaka delikadong palaruan sa Japan” ay babaklasin na dahil sa mga daredadevil adventurer na hindi mapigilan ang pag-slide dito.

“Ang nasabing slide sa palaruan ay simbulo ng komyunidad, kung kaya’t ikalulungkot ng lahat kung ito ay ipa-tatanggal,” sinabi ng isang opisyales ng lungsod. “ Kung ito ay ginamit lamang ng tama.”

Ang 60 metrong haba na atraksyon sa Asakura Midori no Furusato Park sa Imabari City ng Ehime Prefecture ay binuo nuong taong 1991, nasunod naman ng mga ito ang requirements ng Japan Park Facilities Association, ayon sa mga opisyales ng lungsod.

&nbspIpatatanggal na ang isa sa delikadong slide sa Japan
Ang nasabing atraksyon ay nasa Asakura Midori no Furusato Park sa Imabari City ng Ehime Prefecture (illustrative image)

Ngunit mayroong negatibong publisidad na natanggap ang nasabing atraksyon.

Isang TV variety show at iba pang mga media ang nag-bansag sa naturang atraksyon na “Isa sa pinaka-delikadong slide sa Japan.”

Nuong Autumn ng taong 2016, isang video clip na i-pinost online na nag-papakita ng isang lalaki na nag-slide na medyo mabilis habang umuulan.

Ito ay ipinasara ng mahigit isang buwan ng mga autoridad, ngunit ipina-bukas din ito matapos mag-lagay ng mga babala na nag-sasabi na huwag magpa-dulas ng naka-higa.

Ang susunod na nangyari?

Isang 2 taong gulang na bata na hawak-hawak ng isang kamag-anak ang nagka-pinsala matapos sumalpok ang noo nito sa bakal.

Dahil sa nasabing insidente, ang atraksyon ay muling ipinasara nuong Abril ng 2017.

Maka-ilang ulit ng may na-aaksidente sa pag-gamit ng nasabing slide at hindi rin makapag-bibigay ng garantiya sa kaligtasan ng mga taong gumagamit nito kung kaya’t pinag-desisyonan ng pamunuan ng lungsod na ito ay ipatanggal na bago matapos ang taong 2018.

Ang halaga upang maipa-tanggal ang nasabing slide ay aabutin ng mahigit 4.9 milyon yen o ($46,400). Ito ay papalitan ng isang rope-climing frame para sa mga batang nasa edad 6 hanggang 12, ito ay nag-kakahalaga ng mahigit 6.9 milyon yen

Source: Asahi
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund