Dahil sa golden bra, tatlong Taiwanese na babae ikinulong

Ang bawat babae ay may dalawang bowl-shaped na mga pirasong ginto na nakatago sa mga pockets na naka-attach sa kanilang mga bra

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Tatlong babaeng Taiwanese ang naaresto dahil sa diumano’y sinusubukang i-smuggle ang mahigit sa ¥ 50 milyon ($ 470,000) na halaga ng ginto sa Japan sa pamamagitan ng paglagay sa kanilang mga bra, sinabi ng pulisya noong Lunes.

Ang bawat babae ay may dalawang hugis mangkok o bowl ng mga pirasong ginto na nakatago sa mga pockets na naka-attach sa kanilang mga bra, sinabi ng pulisya.

Natuklasan ang pagtatangka sa pagpuslit nang dumating sila sa Hakodate Airport sa Hokkaido mula sa Taoyuan International Airport sa Taiwan noong Nobyembre. Sila ay naaresto noong Pebrero 28.

&nbspDahil sa golden bra, tatlong Taiwanese na babae ikinulong
Dalawang bowl-shaped na piraso ng ginto ang nakatago sa pocket na nakakabit sa kanilang mga bra (ANN)

Ang bawat golden bowl ay 11 cm ang lapad at may bigar na 1.75 kg.

Inamin ng mga kababaihan ang mga paratang sa kanila, sinabi nila na may isang lalaking ipinakilala ang isang kakilala at nag-utos sa kanila, ayon sa pulisya.

Ang pag smuggle ng ginto ay dumadami sa Japan dahil sa pagtaas ng buwis na umaabot na sa 8 porsiyento mula sa 5 porsiyento noong 2014. Ang mga smuggler ay nagsisikap na umiwas sa mas mataas na buwis na ipinapataw sa mga import na ginto na nagkakahalaga ng mahigit sa ¥ 200,000 upang maibenta nila ito sa mga tindahan na may kasamang presyo ng buwis.

Habang marami sa kanila ang nagsisikap na itago ang bullion ng ginto sa kanilang my underwear, pitong kababaihan na dumating sa Chubu Centrair International Airport sa Aichi Prefecture mula sa South Korea ang nahuli noong Enero na natagpuan na may ginto na nakatago sa kanilang mga rectum, sinabi ng mga opisyal ng paliparan.

 

Source: Japan Times, Kyodo
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund