Sa nuong miyekules sa Yokohama, sinintensyahan ng korte ang isang 25 anyos na lalaki sa salang pag-patay sa 3 matatandang residente sa kaniyang dating pinag-tatrabahuhang nursing home sa Kawasaki na malapit sa Tokyo, nuong 2014.
Hinatulan ng Yokohama District Court si Hayato Imai ng 「Guilty」dahil sa salang pag-patay kila Tamio Ushizawa (87), Chieko Nakagawa (86) at Nobuko Asami (96) sa pamamagitan ng pag-hagis umano sa mga ito sa balkunahe ng kanilang pasilidad sa Kanagawa Prefecture.
Si Imai ay umapila ng 「Not Guilty」sa ipinaratang na pag-patay sa 3 residente. Sinabi niya na siya ay nag-sinungaling sa kanyang sinumpaang salaysay upang maka-takas sa pang-gigipit ng mga pulis nuong siya ay ini-imbestigahan. Ngunit ayon sa presiding Judge na si Judge Hidetaka Watanabe, 「wala umanong pamimilit na nangyari mula sa mga pulis」.
Isinulong ng mga prosekyutor ang parusang kamatayan, dahil sa pag-tugma ng kanyang salaysay sa mga nakita sa crime scene at ang kanyang pag-kwento base sa aktual na pang-yayari, eksperiyensa at ala-ala.
Ang kabilang panig naman ng depensa ay hiniling na mapa-walang bisa ang kasong isinampa laban kay Imai. Dahil may posibilidad umano na nag-suicide ang mga nabanggit na biktima.
Si Ushizawa ay namatay nuong Nobyembre taong 2014 dahil sa pagka-hulog umano nito sa balkunahe ng Nursing Home kung saan siya ay isang residente. Samantalang pumanaw rin ng parehong paraan sila Nakagawa at Asami pagka-lipas lamang ng isang buwan.
Hindi umano napansin ng mga pulis na series o sunod-sunod ang pagka-matay ng mga residente sa nasabing pasilidad. Matapos mapag-tanto na may kinalaman ang nasasakdal sa mga pangyayari sa Nursing Home nuong Septyembre taong 2015. Ang naging resulta nito ay ang pag-dakip sa suspek nuong ika-15 ng Pebrero. Napag-alaman rin umano na si Imai lamang ang tanging naka-duty nuong gabi na pumanaw ang mga biktima.
Base sa interogasyon na ginawa ng mga pulis, inamin umano ni Imai na pinatay niya ang mga biktima dahil masyado na umano itong pabigat sa kanya. Nanahimik ng 3 araw si Imai matapos siyang arestuhin ng mga pulis sa hinalang pag-patay sa mga matatandang residente.
Si Imai ay nag-simulang mag-trabaho sa Nursing Home nuong Spring taong 2014. Ang nasabing pasilidad ay binatikos dahil sa hindi sapat na pag-training sa mga taga-pangalaga upang maiwasan ang pag-abuso sa loob ng pasilidad.
Matapos ang insidenteng nangyari sa 3 matanda, inutusan ng Health Ministry ang taga-pangasiwa ng Nursing Home na ayusin ang pamamalakad nito sa kanyang pasilidad.
Marami na ring ganitong insidenteng nangyari sa iba pang parte ng Japan na ang mga salarin ay mismong mga taga-pangalaga.
Nuong nakaraang taon lamang isang 25 anyos na taga-pangalaga ang inaresto dahil sa pag-patay sa isang 83 anyos na residente sa isang nursing home. Hinulog umano ng suspek ang matanda sa loob ng bath tub kahit na ito ay walang kakayahang tumayo mag-isa.
Ayon sa mga eksperto, ang kakulangan sa mang-gagawa sa larangang ito ay isa sa nag-dudulot ng stress sa ibang mang-gagawa kung kaya ang mga taga-pangasiwa ng nasabing pasilidad ay napipilitang kumuha ng mga walang eksperyensa at hindi sapat na mag-trabaho bilang isang taga-pangasiwa.
Source: Japan Today Image: ANN
Join the Conversation