Ang Japan ay nakakita ng mabilis na pagtaas sa bilang ng mga caregiver na tinanggap mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga kasosyo sa pang-ekonomiyang kasunduan na nakapasa sa national certification test, sinabi ng welfare ministry.
May kabuuang 213 na dayuhang caregivers ang nakapasa sa pagsusulit sa 2017, higit sa doble ng 104 na caregivers noong nakaraang taon, sinabi ng ministri ng Miyerkules.
Ang mga Vietnamese, na pinayagang makakuha ng test sa unang pagkakataon, ay kabilang sa 89 na mga successful sa mga kumuha ng exam, ang pinakamalaking grupo by nationality. Sa lahat ng Vietnamese na kumuha ng exam, 93.7 percent ang nakapasa.
Ang Japan ay nagsimulang tumanggap ng mga caregivers galing sa Vietnam noong taong 2014 sa pamamagitan ng economic partnership agreement. Nasasakop sa framework ay mga taong galing ng Vietnam, Philippines at Indonesia ay maaaring makapunta ng Japan at makapagtrabaho sa nursing facilities.
Ang mga dayuhang caregivers ay kinakailangang mag-aral ng wikang Hapon sa kanilang panahon sa Japan. Kung nais na patuloy na makapag trabaho sa bansa, kinakailangan din silang makapasa sa certification exam.
Ang resulta ng pagsusulit – na ibinigay sa wikang Hapon – ay nagpapakita ng mas mataas na antas ng mga kasanayan sa wikang Hapon na kinakailangan ng mga caregivers mula sa Vietnam kumpara sa ibang bansa.
62 sa mga Indonesian caregivers ang pumasa sa exam, na may pass rate na 38.5 percent. Ang bilang ng mga successful exam takers galing ng Philippines ay nasa 62 din, na may pass rate na 37.8 percent.
Nasa record high na 420 foreign caregivers ang kumuha ng exam. Kasama ang mga Hapon, may total na 65,574 katao ang pumasa sa test, na nagkakahulugan na ang pass rate ay nasa 70.8 percent.
Inaasahan ng welfare ministry na mapupunan ng Japan ang kakulangan ng 380,000 na manggagawa sa pangangalaga sa mga matatanda na nasa nursing care facilities hanggang sa taong 2025, kung saan ang lahat ng first baby boomer sa Japan ay naging 75 taong gulang.
Source: Jiji Image: Bank Image
Join the Conversation