Ayon sa opisyal ng gobyerno ng Japan, ang dating presidente ng Amerika na si G. Barack Obama ay inaasahan bumisita sa bansa ngayong buwan upang makipag-usap sa Japanese Prime Minister na si G. Shinzo Abe ukol sa issue ng mga missile at nuclear ng North Korean.
Ayon sa mga source, inaayos na ang mga bagay-bagay para sa pag-bisita ng dating pangulo na si Barack Obama na nag-silbi bilang pangulo sa Estados Unidos mula taong 2009 hanggang Enero ng taong 2017. Inaasahang darating ang dating pangulo sa mga petsang ika-24 at ika-25 ng Marso.
Si G. Obama ay nanalo ng Nobel Peace Prize para sa kanyang intensyon na isang mundo na walang nuclear weapon. Siya ang kauna-unahang presidente ng Estados Unidos na pumunta sa Hiroshima, isang lugar kung saan ginamit ng Estados Unidos ang kanilang pinaka-unang Atomic Bomb bago matapos ang Ikalawang Digmaan Pandaigdig.
Binisita rin ng dalawang pinuno ng bansa na sina G. Obama at Prime Minister Abe ang Pearl Harbor sa Hawaii upang ipakita ang pagkaka-mabutihan ng dalawang bansa na dati ay magka-laban sa Ikalawang Digmaan Pandaigdig.
Source: Japan Today, Kyodo Image: Wikimedia
Join the Conversation