Dalawang estudyante ng high school ang naaresto noong Martes dahil sa diumano’y pagnakaw at pagkatapos ay binagga ang isang maliit na truck habang sila ay nagjoyride na nagresulta sa pagkamatay ng isa pang mag-aaral sa Tottori, sinabi ng pulisya.
Ang dalawang mag-aaral sa junior high school, na nasa edad 14 at 15, ay pinaghihinalaang nagnakaw ng isang maliit na truck noong Lunes o Martes ng umaga.
Ang isang 14-taong-gulang na lalaki ay tumilapon mula sa likuran ng truck at namatay noong nabangga ng driver ang sasakyan sa pader. Ang dalawa pang kabataan ay nagtamo ng maliit na pinsala.
Ang legal na minimum na edad para sa pagmamaneho sa Japan ay 18, na nangangahulugang ang 14-taong-gulang na nagmaneho ay hindi lisensiyado. Ang kanyang pangalan at ang mga pangalan ng iba pang mga lalaki ay hindi pinaalam dahil sila ay mga menor de edad.
Ang isang napadaan sa lugar ang nakakita at tumawag sa pulisya tungkol sa aksidente bandang 4:10 ng madaling araw. Pinaniniwalaan na ang tatlong mag-aaral ng junior high school ay mga magkakaibigan.
Source: Japan Today Image:
Join the Conversation