Ang Chiba District Court ay nag hatol sa isang 26-anyos na babae na sintensyang 10 taon sa bilangguan dahil sa pagpatay at pagchop-chop ng kanyang 21-taon gulang na kapatid na lalaki noong 2016. Ito ay isang paghatol na may mababang sintensya kaysa sa hiniling ng prosecutors, sinabi ng hukuman na may natagpuan itong flaws sa kaso ng pag-uusig, iniulat ng Fuji TV.
Ang nasasakdal na si Emi Takeuchi ay naging laman ng headlines sa buong Japan noong Agosto 2016 dahil pinatay niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Ryo, at pagputol-putolin ang katawan gamit ang kitchen knife sa kanilang bahay sa Shisui, Chiba Prefecture.
Noong Lunes, sinabi ng korte na ang pag-uusig ay hindi sapat na mapatunayan na si Takeuchi ay nagtataglay na may intensyong pumatay. Ang nasasakdal ay, samakatuwid, sinintensyahan ng 10 taon sa bilangguan para sa mas mababang sintensya sa bodily harm na nagreresulta sa kamatayan. Ipinaglaban ng abugado ni Takeuchi na sinaksak niya ang kanyang kapatid ngunit wala siyang intensyon na patayin ito.
Nalaman ang krimen noong pumunta sa bahay ni Takeuchi ang isa sa kaibigan ng biktima ngunit hindi ito pinapasok ni Emi. Pagkatapos ay nakipag-ugnayan ang lalaki sa pulis, na sinabi nya na hindi niya makita o wala ng marinig mula kay Ryo simula pa ng Agosto 2016.
Sa pag search ng dalawang palapag na bahay na may pahintulot ni Takeuchi, natuklasan ng pulisya ang dalawang plastic bag na naglalaman ng bahagi ng katawan at ilang mga bahagi pa ang natagpuan sa iba pang kuwarto at sa refrigerator, sinabi ng pulisya.
Ang bangkay ay positibong kinilala bilang kapatid ni Takeuchi. Inamin ni Takeuchi na sya ang pumatay sa kanyang kapatid sa kalagitnaan ng Agosto at pagkatapos ay pinutol ang kanyang katawan.
Matapos ang pag-aresto sa kanya, isinailalim si Takeuchi sa isang phsychiatric evaluation.
Ang mga prosekutor na humiling ng 18 taon na sintensya ay sinabi na bagaman si Takeuchi ay nanatiling hindi malinaw tungkol sa motibo sa pagpatay sa kanyang kapatid, plinano nito ang pagpatay. Ayon sa resulta ng psychiatric evaluation, alam niya ang kanyang pinaggagawa at maari siyang sumailalim sa pagsisiyasat ng hukuman.
Source: Japan Today Image: Bank Image
Join the Conversation