Ating alamin ang pinaka-bagong inumin sa Starbucks, ang “white coffee”

Magandang balita para sa mga mahihilig sa kape, abangan ang mga bagong flavor ng kape sa Starbucks

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang Starbucks Japan ay muling mag-bibigay ng kakaibang saya sa mga coffee lovers.

Kamakailan lamang nag-hayag ang sikat na establisyamento na sila ay mag-lalabas ng 2 bagong inumin at ito ay tinatawag nilang “ White coffee experience”, ani ng nasabing coffee shop ito ay mag-bibigay ng lubos at bagong paraan upang ma-enjoy ang kape.

Ang 2 bagong inumin ay parte ng kanilang inaalok na white coffee experience at ito ay ang mga sumusunod;

The Mousse Foam Latte (available hot or cold, tall size lamang sa halagang 440 yen)

Ang frothy drink na ito ay isa sa pinaka-una na gawa sa “mousse foam” mula sa non-fat milk. Ayon sa diskripsyon ng Starbuck’s, ang foam ay mayroong kakaibang lapot, sinabayan pa ng caramel flavor ng isang double shot espresso. Ito ay mag-hahatid ng ibang level ng lasa sa mga taong mahilig uminom ng kape. Idagdag pa dito ang magandang presentation ng nasabing inumin.

&nbspAting alamin ang pinaka-bagong inumin sa Starbucks, ang  “white coffee”

The White Brew Coffee and Macadamia Frappuccino (tall size lamang sa halagang 590 yen)

Kahit na ang Frappuccino na ito ay parang niyebe sa puti, ito ay nag-lalaman ng sapat na lasa ng kape, dahil sa “espresso milk”. Ito ay ginagawa araw-araw sa loob ng coffee shop sa pamamagitan ng pag-babad ng mga coffee beans sa gatas. Ayon sa Starbuck’s, ang nasabing proseso ay nag-dudulot na mahalo ang coffee oil mula sa roasted coffee beans sa gatas. Ito ang dahilan upang maging lasang kape ang nasabing gatas. Dagdag pa rito, ang nasabing inumin ay mayroong white chocolate syrup at crunchy candied macadamia nuts, isang magandang kombinasyon na nag-bibigay ng kakaibang lasa ng nasabing inumin.

&nbspAting alamin ang pinaka-bagong inumin sa Starbucks, ang  “white coffee”

Ang pinaka-bagong inumin sa Starbuck’s Japan ay mag-sisimulang ibenta sa ika-15 ng Marso.

Ang hot Mousse Foam Latte ay naka-iskedyul na ibebenta hanggang ika-8 ng Mayo, at patuloy na ibebenta ang cold Mousse Foam Latte hanggang sa bago matapos ang taon. Ang White Brew Coffee at Macadamia Frappuccino ay ibebenta hanggang sa ika-11 ng Abril.

Source: Sora News 24
Images: Starbucks press release
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund