Ang susunod na emperor, 58 anyos, isang mapagkumbabang lingkod at masigasig na mananaliksik

Crown Prince, mabait at mapag-kumbaba at minsan ay nagiging..... ULTRAMAN

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang susunod na emperor ng Japan at kokoronahan sa Mayo taong 2019. Anong klaseng tao ba siya talaga? Nuong tinanong namin ang kanyang mga kailala at mga taong talagang kilala siya, ay iisa lamang ang isinagot. Siya ay “Mapag-kumbaba at mayroong busilak na damdamin”, ngunit sinabi rin ng mga ito na ang susunod na emperor ay palabiro at pala kaibigan rin.

Si Nobutoshi Noman (58) ay naging kamag-aral ng susunod na emperor sa Gakushuin Primary School nung kabataan nila. Sinabi ng huli sa amin na simula ng makilala niya ang susunod na emperor, “Mula pa nuong bata ito taos-puso siyang nag-mamalasakit sa kanyang imperyal na lahi.”

Naalala pa ni Noman ang pag-uusap nila ng crown prince nuong sila ay 20 anyos pa lamang. 38 taon na ang naka-lipas, Pebrero 23, 1980. Ang susunod na emperor na nuon ay naka-tira sa Emperial Palace ay nag-diwang ng kanyang ika-20 anyos na kaarawan at Coming of Age Ceremony sa tanggapan ng Emperor at tumanggap ng Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrysanthemum mula kay Emperor Showa (Hirohito).

&nbspAng susunod na emperor, 58 anyos, isang mapagkumbabang lingkod at masigasig na mananaliksik
(Wikimedia/British Embassy Tokyo / Alfie Goodrich)

Nuong binati ni Noman ang Prinsipe, “ ito malamang ay isang malaking karangalan,” ngunit ang sagot ng Prinsipe ay “ Hindi ako sigurado kung ang taong kasing bata ko ay karapat-dapat ba na pagka-looban ng ganitong gantimpala.” Isinaad umano ng Prinsipe na ang ganitong ganting-pala ay dapat ibinibigay sa mga taong karapat-dapat na mabigyan nito.

Ani ni Noman, “ Ito ang lawak na kung saan nais niyang mag-trabaho alang-alang sa kapakanan ng mga mamamayan bilang susunod na emperor.” Dinagdag pa ng dating kamag-aral ng Prinsipe na “ Sa tingin ko ang mukhang iyon ay lumalabas na lalo na at papalapit na siyang koronahan.”

Sa gitna ng abalang iskedyul ng Prisipe sa mga opisyal niyang tungkulin, siya ay patuloy pa rin na nag-eensayo ng Viola, pag-akyat ng bundok at maki-sali sa historikal na pananaliksik.

Si Oda Sakae (76) , dating Direktor ng Waterways at Japan’s Ministry of Construction ay kasama ng Prinsipe sa pag-aaral sa problema tungkol sa “tubig”, ito ay pinag-bubuhusan ng pansin ng Prinsipe nuon pa man. Sinabi ni Sakae na palabiro at kilala sa pagiging kwela tuwing may lectures at dinner parties.

Minsan nabanggit umano ng Prinsipe na nakalimutan niyang isarado ang gripo habang nag-sisipilyo at siya ay pinagalitan ni Princess Aiko. Habang nag tuturo, mahilig siyang mag-banggit ng mga papular na kultura tulan ng manga series na Thermae Romae at ang sikat na awiting “Gods of the Toilet.” Hindi umano inaasahan ni Oda na hindi nag-papahuli sa mga nauuso ang Prinsipe at ito ay ay malawak na pag-iisip.

Sinabi pa ng isang kaibigan ng Prinsipe na minsan sila ay ginugulo ng mga makukulit na bata habang nag-uusap sa telepono, sinabi umano ng Prinsipe na sabihin sa mga bata na kausap niya si “Ultraman” at iabot sa mga bata ang telepono. “ Ginaya umano ng Prinsipe ang boses ni Ultraman” at kinausap ang kanyang mga anak, ayon sa kaibigan ng Prinsipe.

Habang bumibisita sa Denmark ang Prinsipe nuong Hunyo, mayroong naki-pag selfie sa Prinsipe, at ito ay malugod niyang pina-unlakan.

Source: Sankei News
Image: Wikimedia
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund