Ang bigat ng maleta ng Proteca Staria V Scale na ginawa ng Ace Co. ay pinapakita malapit sa handle nito. (Gawa ng Ace Co.)
Ang isang bagong maleta ay maaaring makatulong sa mga manlalakbay na maiwasan ang karagdagang mga singil para sa sobra sa timbang ng bagahe at ang kahihiyan ng pag-aayos ng kanilang mga ari-arian habang nasa mga linya ng check-in sa mga paliparan.
Ilalabas ng Ace Co. Sa Abril 4 ang Proteca Staria V Scale suitcase, na kung saan nagpapakita ng timbang nito sa isang digital indicator na naka-install malapit sa handle
Ang mga gumagamit ay kailangan lamang iangat ang maleta upang makita kung ilan ang timbang nito. Tingnan ang press release dito
Ang maleta ay may 69 sentimetro ang taas, 54 cm ang haba at 34 cm ang lapad. Tumitimbang ito ng 5 kilo kapag walang laman, at maaaring makakarga ng 50 na 2-litro na bote.
Ang mga turista na gumagamit ng Proteca Staria V Scale ay maaring malaman kung lumampas sa limitasyon ng timbang bago pa man mag check-in, upang maiwasan ang karagdagang bayad.
Available ang maleta sa mga kulay na asul, grey at wine red. Ito ay nagkakahalaga ng 63,000 yen ($ 592), hindi pa kasama ang buwis.
Source: Asahi Image: Ace Co, Bank Image
Join the Conversation