Naisip mo na ba kung ano ang feeling na mag-hang sa gilid ng isang 300-meters na gusali sa gitna ng malaking siyudad? Dito ninyo maaaring malaman sa pagkakataong ito.
Ang bagong attraction ay ang “Edge of Harukas” na kung saan maglalakad sa gilid ng isang makitid na ledge sa tuktok ng Abeno Harukas, ang pinakamataas na gusali sa Japan, at pa-slant na tatayo upang magkaroon ng mas nakakalulang view ng mga kalsada sa ibaba.
Magsisimula ito sa Marso 7, at ang mga magsusubok ay papayagang lumakad sa isang deck na 60 sentimetro ang lapad at 20 metro ang haba sa loob ng pitong minuto.
Ang mga magsusubok nito ay makakaranas ng malakas na hangin, may belt naman na isusuot para sa kaligtasan.
Ayon sa operator na Kintetsu Real Estate Co., na nag anunsyo ng “tour” noong Pebrero 13, ito ay magiging pinaka-unang attraction sa Japan na kung saan ang mga bisita ay nasa napaka-taas na lugar na open air na walang kahit anong pader para sa safety.
Ang bayad ay nasa 1,000 yen ($ 9.30) bilang karagdagang bayad sa pagpasok sa obserbatoryo. Kasama sa serbisyo ang isang litrato samantalang hindi pinapayagan ang mga bisita na gamitin ang kanilang sariling mga camera.
Walang limitasyon sa edad, ngunit ang mga tao na mas maliit sa 145 cm o mas mataas sa 200 cm ay ipinagbabawal na makapagsubok ng attraction.
Tignan ang video:
Source: Asahi Image: YoutTube/Asahi Digital
Join the Conversation