86% ng mga aksidente sa go-kart sa Tokyo ay kinasasangkutan ng mga foreigners

Ang mga driver ng go-kart ay hindi obligadong magsuot ng helmet o seatbelts.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang mga dayuhang driver ay nasangkot sa 86 porsiyento ng mga aksidente sa go-kart sa mga pampublikong daan sa Tokyo sa loob ng 11 na buwan na panahon, na nagtataas ng mga concerns sa kaligtasan tungkol sa sasakyan, na mas popular sa mga dayuhang turista, ipinahayag ng National Police Agency noong Huwebes.

Mula sa 50 na aksidente sa pagitan ng Marso 27 ng nakaraang taon at Pebrero 26 ng taong ito, 43 ang kasangkot sa mga dayuhang driver.

&nbsp86% ng mga aksidente sa go-kart sa Tokyo ay kinasasangkutan ng mga foreigners
Ang sasakyan ay nagpapatunay na nagiging popular ito sa mga dayuhang turista (YouTube/Bloomberg)

Ang Go-kart tours ay lalong sumisikat , lalo na sa mga dayuhang turista, na marami sa kanila ay nagsusuot ng mga costume na katulad ng mga character ng laro ng Nintendo Co., tulad ng Super Mario.

Ang mga driver ng go-kart ay hindi obligadong magsuot ng helmet o seatbelts, at legal na pinahihintulutang magmaneho hanggang 60 kilometer per hour.

By nationality, 15 sa mga driver na involve sa aksidente ay galing sa United States. 10 galing sa South Korea, 7 galing sa China o Taiwan at 6 galing sa Australia. Ang ibang foreign nationals ay galing sa Singapore, Canada, Netherlands at France.

Dahil sa mga alalahanin sa kaligtasan, ang ang Ministry ng Land, Infrastructure, Transportation at Tourism ay nagpasiyang magpatibay ng mga panukala sa kaligtasan sa pamamagitan ng pagbabago ng batas at compulsory na paggamit ng seatbelt.

Source: Mainichi
Image: YouTube/Bloomberg
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund