Dahil sa lakas ng pag-ulan ng niyebe sa isang mountain trail sa kanlurang Tokyo, 13 katao (mga babae at lalaki) ay hindi kaagad naka-baba ng bundok. Sila ay nakita ng mga rescuers matapos silang hanapin buong gabi.
Ligtas at walang pinsalang tinamo ang 13 katao, ngunit ang isa dito ay nagkaroon ng pinsala mula sa pagka-bagsak. Ayon sa mga pulis, 6 sa mga ito ay kaya pang maglakad habang ang 7 naman ay isinakay na sa helicopter at dinala sa pinaka-malapit na pagamutan. Ayon pa sa mga pulis, isa sa 13 katao ay isang tsino.
Naka-kuha umano ng isang tawag ang Tokyo Fire Department bandang alas-7:50 ng gabi nuong Miyerkules. Ang mga umakyat ng bundok ay na-rescue bago sumapit ang ika-1:20 ng madaling araw ng Huwebes.
Ang mga nabanggit na hikers ay hindi agad naka-baba sa Okutama Town. Ang Okutama Town ay malapit sa boundery ng Yamanashi Prefecture.
Isang malakas na pag-ulan ng niyebe ang ini-ulat nuong hapon ng Miyerkules. Inanunsyo rin umano ng mga Weather Officials na tataas ng mahigit na 20 cm ang niyebe sa loob ng 12 oras.
Source: NHK World
Join the Conversation