Napuno ng tao ang Flex Lounge sa Nagoya, Aichi para suportahan ang event na Saikyou 052 Rap Battles. Pinamumunuan nila Camaron Maniquiz aka 「Toneloker」 at Dustin Durante aka 「Double D」. Ito ay sinuportahan ng kanilang mga pamilya at mga kaibigan sa loob at labas ng industriya. Bumuhos ang masigabong palakpakan at mga boses na nag-hihiyawan ng mag-simula na ang event. May mga natalo sa laban ngunit hindi naman dito nasusukat ang kakayahan ng isang battle rapper, ito ay nag-sisilbing aral upang mas ipabuti ang kanilang kakayahan sa susunod nilang laban. Ang pinaka magandang pang-yayari dito ay ang pag-titipon tipon ng mga Pilipino at iba pang mga lahi upang mapanuod at suportahan ang talento ng mga Pilipino.
Sana ito ay maging simula ng pag-unlad ng Pinoy Rap Industry dito sa Japan. Pinasasalamatan namin ang mga nanunod ng show at mga bisita na lumipad pa mula sa Pilipinas na sina Loonie, Mike Swift, Apekz, Aklas, Abra, Klumcee at Franchize. Binabati rin namin ang mga lumaban sa battle na sina Batman, Michael Joe, Zink, Shoji, Blksmt, Dan Dgaft, JB, Jack, Hyro at Egi. Special thanks kay Kazu sa pag-puno ng posisyon ni Yeezy na hindi naka-dalo. Salamat din sa performance nila AMK at Yabai High.
Ang panauhing si Abra na lumipad lamang upang sumoporta sa battle, ay nag-perform din kasama ni Loonie. Si Mike Swift ay hindi lamang nag-battle siya rin ay nag-perform ng ilan sa kanyang mga kanta.
Pinasa-salamatan din ang may-bahay ni sir Camaron na si Cory Maniquis at Miyuki Peroramas na may-bahay ni Sir Loonie.
Kudos to 052 Rap Battles! Aasahan pa namin ang inyong mga darating na event.
Again, congratulations on a job well done and a successful event.
Abangan sa 052 Rap Battles page on facebook ang video ng mga battles.
By Marco Bartolome and Sarah Bartolome Images: Gabriel Miyamoto
Join the Conversation