7 kababaihan mula sa South Korea ang nag-tangkang pumuslit ng mga ginto sa Japan nuong nakaraang buwan sa pamamagitan na pag-tago ng mga ito sa kanilang maselang bahagi ng katawan, ayon sa opisyales ng Chubu Airport sa Aichi Prefecture nuong Martes.
Base sa mga opisyales, karamihan sa mga nahuhuli na mga pumupuslit ng ginto sa mga paliparan ay itinatago sa kanilang mga underwear.
Ayon pa sa mga opisyales, ang 7 kababaihan ay nasa edad na 50 hanggang 60 anyos na dumating mula sa Incheon Airport sa South Korea na nag-panggap bilang mga turista na kasama sa isang tour bago mahuli sa pamamagitan ng metal detectors.
Ang mga nahuling ginto sa mga kababaihan ay ipinoroseso upang maging maliit, ibinalot sa mga transparent pouches at saka itinago sa kanilang maselang bahagi ng katawan.
Plano umano ng mga babae na tanggalin ang nasabing ginto sa palikuran pagka-tapos maka-labas sa immigration at customs, ani ng mga opisyal.
Dahil sa pag-taas ng bilang ng mga nag-iismuggle ng ginto nito nagdaang mga taon, plano ng gobyerno na patawan ng mas mahigpit na penalty ang mga salarin.
Sinabi ng mga opisyales na plano umano ng Customs sa Nagoya na pag-multahin ang mga babae, ibabalik lamang sa kanila ang kanilang mga ginto matapos bayaran ang multa.
Source: Japan Times, Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation