Ang land ministry ng Japan ay nagpa-planong mag-alis ng mga utility poles o poste at ibaon nalang ang mga cable sa ibaba ng daanan na may layo na 1,400 kilometro na mga kalsada sa susunod na 3 taon.
Sinabi ng ministry na plano nilang mag focus sa mga major roads ng malalaking siyudad na maaaring magamit in case magkaroon ng mga natural na kalamidad. Ang mga lugar na malapit sa mga venue ng 2020 Tokyo Olympics at Paralympics, at World Heritage site ay bibigyan din ng prayoridad.
Ang ministry ay nagplano na itaas ang porsyento ng mga pangunahing daan na walang mga utility poles sa 42 porsiyento bago dumating ang taong 2020. 34 porsiyento na ang walang mga utility poles noong katapusan ng Marso ng nakaraang taon.
Naglalayong madagdagan ang porsyento ng mga kalsada na walang mga poste ng utility malapit sa mga site ng World Heritage sa 79 porsiyento, mula sa 37 precent.
Ang ministry ay magpapasya kung saan ang mga specific na kalsada sa kalagitnaan ng Marso pagkatapos ng mga talakayan sa mga power companies at mga lokal na munisipalidad.
Ang tinatantiyang gastos sa pagbaon ng mga overhead cables ay tinatantiyang nasa 4.7 milyong dolyar bawat kilometro.
Sinabi ng land ministry na si Keiichi Ishii na nais niyang makamit ang layunin sa pamamagitan ng paggamit ng mga pamamaraan sa pag-save ng gastos at pagbibigay ng pinansiyal na tulong.
Source and image: NHK
Join the Conversation