Na-detain ng mga awtoridad ang 341 na foreign nationals na ilegal na nagtatrabaho sa unang crackdown na nagta-target sa mga asylum seekers sa mga lugar na nasa ilalim ng hurisdiksyon ng Tokyo at Nagoya na tanggapan ng imigrasyon, isang pagsisikap na nagtutulak sa pinag-uusapang pang-aabuso ng sistemang refugee ng Japan.
Ipinahayag ng Ministry of Justice noong Martes na ang mga dayuhang nabilanggo sa crackdown na isinasagawa sa pagitan ng Nobyembre 6 at Disyembre 1, 94 sa kanila ay naghihintay sa desisyon ng gobyerno kung ibibigay sa kanila ang status ng refugee.
Kasama sa iba ang mga overstayers ng visa at mga taong nakikibahagi sa mga aktibidad maliban sa mga pinahihintulutan sa ilalim ng kanilang mga visa status.
Temporary work permit
Bago pa nagbago ang sistema ng refugee na ipinatupad noong Enero, ang mga aplikante para sa refugee status ay maaaring mabigyan ng pansamantalang work permit anim na buwan pagkatapos mag-apply para sa kabuhayan habang naghihintay ng resulta. Ang ministeryo ay tumigil na sa pagbigay ng permit simula pa noong Enero.
Si Kimizuka, na nagsisilbing director ng Enforcement Division sa Bureau of Immigration ng ministry, ay nagsabi na ang 81 na mga asylum seekers na nahuli ng pulisya noong Nobyembre ay nagtatrabaho sa anim na buwan na panahon na dapat nilang hintayin ang kanilang pahintulot upang makapag- trabaho.
Habang ang natitirang 13 ay hindi nag-renew ang kanilang visa status pagkatapos mag-apply para sa refugee status – ang pamamaraan na kinakailangan upang pahintulutang magtrabaho sa Japan.
Pinakamataas na bilang ng mga iligal na manggagawa sa Ibaraki Prefecture
Kabilang sa 341 detainees, 218 ang nagtrabaho nang ilegal sa loob at paligid ng Tokyo. Kinumpirma ng mga awtoridad ang pinakamataas na bilang ng mga iligal na manggagawa ay sa Ibaraki Prefecture, na may 102 na mga kaso. Isa pang 95 ang nakuha sa Aichi Prefecture. Ang pinakamalaking bilang ng mga detainees ay nagtrabaho sa pagproseso ng pagkain, agrikultura at konstruksiyon.
Ang Vietnamese naman ang pinakamalaking pangkat ng mga dayuhan na nahuli noong Nobyembre, sa 108, sinundan ng 68 Thai nationals, 53 Chinese at 46 na Pilipino. Ayon sa ministeryo, ang bilang ng mga dayuhan na nag-aplay para sa refugee status noong nakaraang taon ay umabot sa record na 19,628.
20 katao ang binigyan ng refugee status
Sa kabuuan ng taon, 20 katao lamang ang binigay na refugee status at 9,730 katao na mga aplikasyon ay tinanggihan, ayon sa mga bilang ng ministeryo.
Ang pagtanggap ng humigit-kumulang na 20 na mga asylum seekers noong nakaraang taon ay malamang na magdudulit ng kritisismo na ang Japan ay hindi handang magtanggap ng mga migrante sa kabila ng tumatanda na populasyon nito.
Source: Japan Times Image: Bank Image
Join the Conversation