Ang mga guro sa isang pampublikong high school sa Toyama Prefecture ay ginupit ang buhok ng hindi bababa sa 44 na mga mag-aaral noong nakaraang taon upang matugunan ang patakaran ng paaralan, sinabi ng school education board noong Biyernes.
Ang haircut, kung saan ang anim na mga guro sa Mizuhashi High School ay nagsimulang manggupit noong Abril hanggang kasalukuyan na may pahintulot ng mga mag-aaral, ngunit sinabi ni Shinichi Hiroshima, isang senior official ng prefectural education board na ang paggupit “ay nasobrahan”, dagdag din ng board na may kaukulang parusa sa mga na involve.
Nadiskubre ang kaso noong may nakarating na reklamo sa eskwelahan galing sa labas na source. Tinanong ang lahat ng guro sa paaralan noong unang linggo ng buwan.
Ginupit ng mga guro ang buhok ng lahat ng mga mag-aaral na paulit-ulit na sumusuway sa patakaran, na nagsasabi na ang haba ng buhok ay dapat manatili hanggang itaas ng kilay. Ang buhok ng mga mag-aaral ay sinusuri ng isang beses kada buwan upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa patakaran ng paaralan
“Gusto kong humingi ng paumanhin sa mga mag-aaral at sa kanilang mga magulang.” Sinabi ni Principal Yasuhiro Nakada, dagdag pa nya na wala sa shool policy na kailangang manggupit ng buhok ng mag-aaral.
Maraming mga paaralan sa Japan ang may mahigpit na mga panuntunan sa fashion, kabilang na ang mga pagbabawal sa buhok na may kulay, piercing at make-up, at nagkaroon ng maraming mga reklamo tungkol sa paraan kung paano nila masyadong nai-enforce ang pagpapatupad nito.
Noong nakaraang Oktubre, ang isang 18-taong-gulang na batang babae sa Osaka ay dinemanda ang kanyang highschool dahil sa pinilit siyang pakulayan ng itim ang kanyang natural na light colored na buhok.
Source: Japan Times, Kyodo Image: Bank Image
Join the Conversation