Ang operator ng Disney Disney Resort na Oriental Land ay maglulunsad ng isang smartphone app sa taong 2018 upang mapawi ang pagka-dismaya ng mga bisita tungkol sa isyu na overcrowding sa sikat na theme park.
Ang app ay mag-aalok ng isang solong platform kung saan ang mga customer ay maaaring bumili ng mga tiket, mag book ng hotel at restaurant reservation, at tingnan ang mga mapa ng park na may tinatayang oras ng paghihintay para sa mga attractions nito.
Magiging compatible din ito sa smartphone-based na sistema ng e-ticket na ipinakilala Martes.
Ang isa pang tampok, ay ang in-park na online shopping, upang makatulong sa problema sa siksikan sa shops. Ang mga bisita ay bumibili ng mga souvenir lalo na kapag pasara na ang lugar kaya’t palaging siksikan sa loob ng shop.
Ang app ay hahayaan ang mga bisita na mamili habang namamasyal sila sa park, tulad ng habang naghihintay sa linya, pagkatapos ay kukunin ang kanilang mga pinamili kapag sila ay pauwi na o ipadala ang mga ito.
Ang app ay sa Japanese lang muna, sunod ay magda-dagdag ang Oriental Land ng iba pang mga pagpipilian sa languages para sa mga internasyonal na bisita. Naglalayon silang kolektahin at pag-aralan ang data sa mga aktibidad ng mga gumagamit sa loob ng park para magamit sa pagbuo ng mga bagong serbisyo.
Source: Nikkei Image: ANN
Join the Conversation