Ayon sa survey na isinagawa ng Cabinet Office, mahigit na 40 porsyento ng papulasyon ng Japan ang sumoporta sa iminungkahi na pagsasa-batas na payagang gumamit ng kanya-kanyang apelyido ang mag-asawa.
Ang bilang ng mga rumesponde o sumagot na hindi magiging problema sa kanila ang magiging rebisyon ng batas at umabot na sa 42.5 porsyento, ito ay tumaas ng 7.0 na puntos mula sa survey na ginawa nuong taong 2012.
Ang bilang ng mga hindi sang-ayon sa naturang rebisyon ng batas ay nasa 29.3 porsyento, ito ay bumaba ng 7.1 na puntos.
Ang rumesponde na sasang-ayon sa survey na isina-gawa sa pamamagitan ng pag iinterview sa mahigit 5,000 katao na nag-eedad na 18 anyos pataas nuong Nobyembre hanggang Disyembre ay umabot ng 59.0 porsyento. Ang resulta ay inilabas nuong Sabado.
Mula sa mga mam-babatas, umabot lamang ng 19.8 porsyento ang may kagustuhan na gumamit ng ibang apelyido sa kanilang mga asawa. Mahigit 47.4 porsyento ang hindi sang-ayon na palitan ang naturang batas.
Kung tatanungin kung makaka-apekto ba sa pag-bubuklod ng pamilya ang pag-palit ng apelyido sa mag-asawa, magulang at mga anak, 31.5 porsyento ang nag-sabi na ang buklod ng isang pamilya ay hihina, ito ay bababa ng 4.6 na puntos, at 64.3 porsyento naman ang nag-sasabi na ito ay walang magiging epekto, na tumaas naman ng 4.5 na puntos.
Iminungkahi naman ng Justice Ministry’s Legislative Counsil nuong taong 1996 na maaaring gumamit ng magka-ibang apelyido ang mag-asawa. Ngunit walang hakbang na ginawa sa gitna ng matinding pag-salungat nasabing panukala.
Nuong taong 2015, ipinanukala ng Korte Suprema na ang hindi pag-sang-ayon ng Civil Code sa pag-gamit ng magka-ibang apelyido ay konstitusyonal.
Source: Japan Times, Jiji Image: Bank Image
Join the Conversation