Tinulungan ng restaurant ang mga driver na na-stranded sa snow ng libreng fried rice at noodle

Maraming lugar sa Japan ang nasalanta ng malakas na snowfall na nagdudulot ng pinsala sa mga ruta ng transportasyon sa buong bansa.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sa kasalukuyan, maraming lugar sa Japan ang nasalanta ng malakas na snowfall na nagdudulot ng pinsala sa mga ruta ng transportasyon sa buong bansa.

Ang isang matinding natamaan na lugar ay sa Fukui Prefecture kung saan, kasama ang Highway 8 na tumatakbo sa pagitan ng Maruokamachi sa Sakai City, isang linya ng mahigit sa 1,200 na mga kotse at mga trak hanggang 30 kilometro ang haba ang na-stranded sa  snow at patuloy na natatabunan ng snow noong Miyerkules.

At sa loob ng bawat isa sa mga sasakyan na ito ay ang mga pagod at nagugutom na mga tao. Sa kabutihang-palad, maraming mga bukas ang loob at naroroon upang makatulong.

Ang kainan na Gyoza Osho (Hari ng Gyoza) ay nagluto at ipinamigay ang kanilang fried rice at ankake yakisoba o isang fried noodles na may sauce na karne at mga gulay.

Nagluto sila ng buong maghapon at naghanda sila ng humigit-kumulang 500 servings at ipinanamigay nila ito sa mga kotse na na stuck at napapalibutan ng yelo sa highway.

Sa totoo lang, ang branch ng Gyoza No Osho ay sarado mula pa noong Martes dahil sa blizzard ng snow at nagkaroon ng malaking supply ng mga hindi nagamit na mga sangkap na mauuwi sana sa pagkasayang ang mga ito kung hindi nila inihanda ang mga emergency rations.

Ang ilang ay naghihinalaang ito ay isang uri ng publicity stunt, ngunit ito ay nagmula sa boluntaryong sitwasyon na galing sa mababang miyembro ng staff at hindi galing sa mga executives na pinipilit ang mga ito magsagawa ng akto sa kabila ng kahirapan ng sitwasyon.

Ito ay malinaw na isang act of humanity sa gitna ng kagipitan, ang iba pang mga negosyo at residente ay nag-alok ng pagkain at ang ilang mga truck ay nag offload ng kanilang mga supply sa iba pang mga motorista, marami sa kanila ay na-stuck ng mahigit sa isang araw.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ang Gyoza No Osho ay naka-impressed sa mga tao ng kanilang altruismo. Nagkamit ang isa pang branch sa Kyoto dahil sa pagkakaloob ng libreng pagkain sa mga mag-aaral ng unibersidad na gipit sa pera sa loob ng maraming taon.

Sources: NHK News Web, Hachima Kiko
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund