Ayon sa anunsyo ng Japan’s Household Agency, ipapagpa-liban muna ang kasal ni Princess Mako, anak ni Prince Akishino at Kei Komuro. Ang nasabing kasal ay dapat gaganapin ngayong Nobyembre.
Sa isang news conference nuong Martes, sinabi ni Takaharu Kachi isang opisyal sa ahensya na magkaka-roon ng iba’t-ibang event kung kaya’t ang nasabing kasalan ay ipinagpa-liban muna.
Sinabi rin ng opisyales na mayroong iba’t-ibang importanteng pag-titipon ang magaganap sa susunod na taon alin-sunod sa pag-baba ng trono ng Emperor at siyang pag-upo sa trono ng bagong hinirang na prinsipe.
Ani pa ng opisyales, matutuloy ang kasal ng magkasintahan sa taong 2020 pagka-tapos umano ng mga mahahalagang pag-titipon sa imperial.
Nabanggit rin ng nasabing taga-pag-salita ng ahensya na naisip din ng magkasintahan na kulang ang oras na inilaan nila para sa preparasyon ng kanilang kasal at buhay bilang magkasintahan.
Inanunsyo ng ahensya ang engagement ng prinsesa sa isang kaibigan sa unibersidad nuong Septyembre nuong nakaraang taon.
Ayon sa naung napa-balita, ang nasabing kasal ay magaganap sa ika-4 ng Nobyembre sa isang hotel sa Tokyo.
Nag-plano ang magkasintahan na magkaroon ng isang seremonya para sa pag-palitan nila ng kanilang betrothal gift sa ika-4 ng Marso.
Sinabi rin ng ahensya na nais talaga na magpa-kasal ang magkasintahan, at ang ahensya ang nag-aasikaso para sa preparasyon ng kasal base sa kani-kanilang nais at kagustuhan.
Source and image: NHK
Join the Conversation