Ang operator ng Tokyo Disney Resort (TDR) ay nag-entertain ng ideya na maglikha ng ikatlong amusement park na nakasentro sa temang “sky”.
Ang Oriental Land Co., na nangangasiwa sa bantog na Disney Resort sa Urayasu, Chiba Prefecture, ay nag-iisip na idagdag sa mga parke ng tema na nakabatay sa land at sea sa pamamagitan ng paglikha ng mga atraksyon at mga lugar na may kaugnay sa sky at space.
Ang potensyal na pangalan ay “DisneySky” at ang Oriental Land ay naglalayong simulan ang konstruksiyon sa taong 2019, bago buksan ang parke pagkatapos ng tatlong taon sa 2022.
Ang mga Disney amusement park na may temang “land”, ay nago-operate na sa mga bansa tulad ng Estados Unidos, France, China, bukod sa Japan. Gayunpaman, ang Japan ay ang tanging bansa sa mundo na may park theme na ‘Sea’
Ayon sa isang source na malapit sa Oriental Land, ang kumpanya ay “nais na gumawa ng isang uri ng theme park na katulad ng Tokyo Disney Sea,” at samakatuwid ay isinasagawa pa ang pagplano patungo sa paglikha ng unang sky-themed Disney resort sa mundo. Ang kumpanya ay isinasaalang-alang ang pagpapakilala ng mga atraksyon na nagbibigay ng mga simulation ng isang jet airplane o sa outer space.
Sa kasalukuyan, ang kumpanya ay tumitingin sa detalye ng panukala, na may layuning gumawa ng isang anunsyo tungkol sa bagong parke sa huling linggo ng Abril o unang linggo ng Mayo. Nagpaplano din na i-convert ang kasalukuyang parking lot sa isang multi-level parking, at bumuo ng bagong theme park sa mga bakanteng bahagi ng site Urayasu.
Source: Mainichi Image: Bank Image
Join the Conversation