Dahil sa pag-baba ng trono bilang Emperor sa ika-30 ng Abril, taong 2019 si Emperor Akihito, ang kanyang kaarawan ay hindi na ipagdiriwang bilang isang national holiday sa susunod na taon.
Sa kasalukuyan ang ika-23 ng Disyembre na kaarawan ng Emperor ay ipinagdiriwang bilang isang National Holiday.
Ayon sa anunsyo ng gobyerno, ang kaarawan ng susunod na tatanghaling Emperor na si Prinsipe Naruhito ay sa ika-23 ng Pebrero at ito na ang tatanghaling national holiday sa taong 2020 matapos siyang koronahan bilang susunod na Emperor sa ika-1 ng Mayo, 2019
Ito ay magiging kauna-unahang pagkakataon na hindi ipagdiriwang ang kaarawan ng Emperor bilang national holiday simulang nuong taong 1948 kung kailan ito unang isina-batas.
Sabi rin ng iba pang opisyal ng gobyerno, maaari din na maging national holiday ang ika-1 ng Mayo sa susunod na taon.
Ito ay mag-bibigay ng 10 araw na pahinga sa mga tao sa panahon ng Spring Holiday na mag-sisimula sa ika-27 ng Abril.
Source: NHK Image: Bank Image
Join the Conversation