Ang Ministop Co. ay huminto sa pagbebenta ng pornograpikong mga magazine sa kanilang mga chains na umaabot ng 2,250 convenience store sa buong Japan, epektibo mula Enero, upang protektahan ang mga kabataan mula sa mga sexually explicit na materyales.
“May mga customer na nag-aatubili na pumasok sa mga stores na may kasamang bata dahil sa pagkakaroon ng mga adult na magasin,” sabi ni Akihiro Fujimoto, presidente ng Ministop, sa isang news conference sa lungsod ng Chiba noong Nobyembre.
Ang mga convenience store ay madalas na nagdi-display ng mga pornographic magazine sa isang seksyon na may partition na naka-set up malapit sa isang banyo o isang automated teller machine, ngunit maaari itong makita ng sinuman na dumadaan.
Noong 2016, tinagubilinan ng FamilyMart Co. ang mga stores nito sa Sakai, Osaka Prefecture, na takpan ang mga adult na magazine sa pagsunod sa kahilingan ng munisipal na pamahalaan. Ngunit tanging 11 na mga stores lamang ang sumunod sa panukalang-batas.
Ang mga chain store ng Convenience ay nag-aatubili na balutan ng plastik ang mga pornograpikong magasin, dahil sa mas lalong madadagdagan ang trabaho workers ng stores. Dagdag pa dito, ang publishing industry ay sumasalungat sa panukalang-batas, na sinasabi nila na ito ay lumalabag sa freedom of expression.
Ang mga benta ng mga magasin, kabilang ang mga para sa mga adult magazines, sa mga tindahan ng convenience ay lalong humihina kasabay ng paglago ng mga online sales at elektronikong mga publikasyon.
Ngunit ang demand para sa mga adult na magazine sa mga convenience store ay nananatiling malakas sa ilang mga grupo tulad ng mga matatanda na mamimili na hindi pamilyar sa internet. “Hindi namin mapipigilan hangga’t gusto ng mga may-ari ng mga franchise stores na patuloy na ibenta ang mga ito,” sabi ng isang ehekutibo sa isang nangungunang chain.
S qource: Jiji Image: Wikimedia
Join the Conversation