Ang inaresto ng pulisya ay pinaghihinalaang gumamit ng mga dayuhan na walang kwalipikadong visa upang makapag trabaho.
Inanunsyo ng Aichi Provincial Police ang pag-aresto noong Martes ng isang negosyanteng Hapon. Nakilala siya bilang si Tsunemoto Kano, 37, may-ari ng kumpanya na Yashiro Kaihatsu, na may assembly factory ng pachinko sa Nagoya (Aichi) sa distrito ng Nakagawa.
Ayon sa impormasyon ng pulisya, mula noong Disyembre ng nakaraang taon hanggang ngayon, pinagtrabaho niya ang isang Pilipino sa kabila ng hindi pagkaroon nito ng tamang visa na qualified para sa trabaho.
Ayon sa mga awtoridad, pinaghinalaan nila si Kano dahil sa isang pabrika sa Iwakura (Aichi), ang kanyang kumpanya ay nagpadala ng mahigit sa 20 na mga Pilipino, at lahat ay nag-apply ng refugee visa na kung saan hindi karapat-dapat para makapag-trabaho.
Fonte: CBC TV Imagem: Bank Image
Join the Conversation