Binaril ng pulis ang isang lalaki nang binunutan siya nito ng kutsilyo malapit sa Kyobashi Station sa Osaka City noong Linggo.
Ang lalaki, si Jota Ideo, 25, ay kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya at naaresto sa kasong obstruction of duty ng police officer at ang paglabag sa batas ng Gun and Sword Possession Control Law.
Ayon sa pulisya, naganap ang insidente bandang 11:50 ng gabi sa Miyakojima Ward mga 300 metro mula sa istasyon ng tren.
Ang police, 38, ay nakita ang dalawang kahina-hinalang kalalakihan sa lugar at tinanong ang mga ito kung saan nagta-trabaho, iniulat ng Fuji TV.
Ang mga lalaki ay hindi sumagot, at si Ideo ay bumunot ng isang butterfly knife mula sa kanyang bulsa at nagbantang papatayin ang officer at tinawag niya itong isang tanga.
Inutusan ng pulisya si Ideo na bitawan ang kutsilyo ngunit patuloy pa din siyang lumapit sa pulis kaya’t binunot na ng pulis ang kanyang baril at binaril si Ideo sa kanyang kanang hita mula dalawang metro ang layo. Si Ideo ay dinala sa ospital kung saan ito ay nasa stable na kalagayan noong Lunes.
Sinabi ng pulisya na mayroon siyang dalawang kutsilyo at sinabi ng suspect na “Akala ko na ang pagdala ng ganito kaliit at kahaba na kutsilyo ay hindi lumalabag sa Firearms and Sword Possession Control Law.”
Ang ikalawang lalaki naman ay tumakas at kasalukuyang hinahanap ng pulisya.
Source: Japan Today Image: ANN
Join the Conversation