Lalaki inaresto sa hinalang pagtapon ng katawan ng kanyang ama sa dagat

Sinabi ng lalaki na, "nagalit siya sa kayang ama dahil pisikal na inaabuso nito ang kanyang ina."

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Isang 31-taong-gulang na lalaki ang naaresto dahil sa hinalang pagchop-chop sa katawan ng kanyang 63-taong gulang na ama at pagtapon sa dagat ng Toyohashi City, Aichi Prefecture, noong 2016.

Ayon sa pulisya, si Daisuke Kobayashi, isang magsasaka mula sa Toyohashi City, ay pinaghihinalaang pinutol ang katawan ng kanyang ama, na si Seiji gamit ang electric saw at pagkatapos ay tinapon ang mga labi nito sa Mikawa Bay noong Oktubre 24, 2016, ayon sa ulat ng Fuji TV

&nbspLalaki inaresto sa hinalang pagtapon ng katawan ng kanyang ama sa dagat
Tinapon ng lalaki ang putol-putol na katawan ng kanyang ama sa coast ng Toyohashi City (ANN/reproduction)

Sinabi ng pulisya na si Kobayashi, na  naaresto noong Sabado, na inamin nito ang krimen ngunit nanatili siyang tahimik. Sinabi nya na, “nagalit siya sa kayang ama dahil pisikal na inaabuso nito ang kanyang ina.”

Iniharap na si Kobayashi sa prosecutors office noong Sunday, at sinampahan na ng kaso.

Si Seiji Kobayashi ay naiulat na nawawala noong Oktubre 31, 2016. Noong Marso ng nakaraang taon, si Daisuke Kobayashi ay unang kinuwestyon at binanggit nito na itinapon ang katawan ng ama sa dagat. Subalit siya ay hindi hinuli noong panahon na iyon.

Mula noon, ang Japan Coast Guard at Aichi Prefectural Police ay nagsagawa ng ilang dosenang beses na paghahanap sa Mikawa Bay para sa mga labi ni Seiji, na hanggang ngayon ay hindi pa natagpuan.

Source: Japan Today
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund