Malaking aquarium, magbubukas katabi ng Legoland Japan sa Nagoya

Ang Legoland Japan sa Nagoya ay magbubukas ng isang aquarium na katabi nito na tinatawag na Sea Life Nagoya.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang theme park na Legoland Japan ay magbubukas ng isang 2,000-square-meter na aquarium sa tabi nito na tinatawag na Sea Life Nagoya ngayong darating na Abril 15.

Maglalaman ito ng 11 display zone at magiging tirahan ng mahigit 2,000 na sea creatures na humigit-kumulang sa 100 species.

Ang isang bagong 252-room na hotel sa parehong gusali ng aquarium ang nakatakdang buksan sa Abril 28.

May isang zone na tinatawag na “Ryugujo” (Under the sea palace) kung saan ang mga shark ay lumalangoy sa paligid ng mga bisita na maglakad sa isang 8.2-meter-kahaba na tunnel. Ang ideya ay upang ma-isip ng mga bisita na sila ay tulad ng character na si Urashima Taro, isang popular na Japanese folk hero na naglalakbay sa isang kingdom sa ilalim ng dagat.

&nbspMalaking aquarium, magbubukas katabi ng Legoland Japan sa Nagoya
Ang Sea Life Nagoya ay magbubukas sa Abril 15 at ang hotel ay sa Abril 28.

Kabilang sa iba pang mga lugar ay ang “Rock Pool” kung saan maaaring mahawakan ng mga bibisita ang mga starfish at sea cucumber, at “Kisogawa,” na magpapakita ng carp at turtle.

Si Torben Jensen, Presidente ng Legoland Japan, ay nagbuhos ng tubig mula sa isang bucket sa isang media event sa venue noong Feb. 8 at sinabi na nais niya na ang mga bisita ay makita, mahawakan at malaman ang tungkol sa mga nilalang sa dagat.

Ang admission fee ay hiwalay sa Legoland. Ang isang araw na tiket para sa mga matatanda ay 1,900 yen ($ 17) kabilang ang buwis. Para sa mga bata mula 3 hanggang 12, nagkakahalaga ito ng 1,500 yen.

Source: Asahi
Image: Portal Mie/ file
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund