Gagamit ang ‘Jurassic Island’ ng augmented reality upang maipakita ang mas makatotohanang mga dinosaur

Ang theme park ay magbubukas mula sa Abril 28.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang “Jurassic Park” ay mas mapapalapit sa reality sa isang deserted island ng Nagasaki Prefecture, kung saan isang makabagong theme park ang maga-akit at magpapakita ng mukhang tunay na mga dinosaur sa pamamagitan ng augmented reality.

Ang Dutch theme park na Huis Ten Bosch (HTB) sa lungsod ng Sasebo ay magbubukas ng Jurassic Island mula Abril 28, kung saan ang Nagashima island at kagubatan nito ang magbibigay ng isang stage para sa thrill-seeking na labanan kontra sa mababangis na mga “dinosaur” sa isang makatotohanang outdoor na setting.

Ang lugar sa Saikai, na sumasakop sa 39,000 square meters sa Omura Bay sa tabi ng HTB, ay mga 6 na kilometro mula sa pangunahing park.

&nbspGagamit ang ‘Jurassic Island’ ng augmented reality upang maipakita ang mas makatotohanang mga dinosaur
Ang Dutch theme park na Huis Ten Bosch sa lungsod ng Sasebo ay magbubukas ng Jurassic Island mula Abril 28 (Image: Huis Ten Bosch)

Ang mga “willing” na bibisita ay sasakay muna sa isang kwarenta’y singko minutong boat ride patungo sa isla.

Ang operator ng park, ang Huis Ten Bosch Inc., ay nakuha ang isla noong 2015 at mula noon ay nagsisiyasat ng mga paraan para sa paggamit nito.
Ang bagong attraction ay naka-target sa mga kabataan at mga pamilya. Ang mga kalahok ay magsusuot ng AR glasses at maglakad sa paligid ng isla, lalabanan ang mga dinosaur na lumilitaw sa kanilang mga dadaan.

Kasama sa mga plano sa hinaharap ang paggawa ng isang pang pasaherong bangka na bilang isang “floating hotel,” na kung saan ay bibisitahin ang wild na isla.

Para sa iba pang detalye ng theme park, tignan dito (in Japanese)

Source: Asahi
Image: Huis Ten Bosch
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund