Nuong Huwebes, ipinakita ng mga pulis ang datos nag nag-tatala ng bilang ng mga hapones na biktima ng Human Trafficking sa loob mismo ng kanilang bansa. Ito ay sumatotal ng 28 katao para lamang sa taong 2017.
Ang huling mataas na tala ay nuong taong 2001, ito ang pinaka-maagang taon na naka-tanggap ng ganitong kaso at ang bilang nito ay hindi na tumaas pa. Ngunit nuong nakaraang taon tumaas ng triple ang datos mula sa naitalang kaso nuong taong 2016.
Ang sumatotal na bilang, kasama ang mga banyagang biktima ay 42 para sa taong 2017 lamang, ito ay sa magkasunod na dalawang taon, ayon sa datos ng NPA.
80 porsyento sa mga biktima ay hapones, 23 katao nito ay pawang mga menor de edad. Halos kalahati ng bilang ng mga biktima ay nasa 18 anyos lamang at mga nasa high school pa lamang. Ang mga ito ay sapilitang pinagawa ng mga malalaswang mga pelikula at ang iba naman ay pinag-trabaho bilang cosplay models online.
Nuong nakaraang taon, 14 katao ang bilang na naging biktima, 7 katao ay mula sa Thailand, 5 katao ay mula sa Pilipinas at tig-1 katao ay mula sa Vietnam at Brazil.
Source: Jiji Image: Bank Image
Join the Conversation