Isang grupo ng mga Japanese researchers ay gumawa ng isang manipis na elastic display na maaaring direktang idikit sa balat ng tao.
Ang nasabing display ay may kapal na 1mm at nag-lalaman ng mga micro LEDs na nakadikit sa isang rubber sheet. Ang pinaka malaking size nito ay sumusukat ng 6 cm x 10 cm.
Ang nasabing display ay hindi nag-bibigay ng sanhi ng kakulangan sa ginhawa sa mga gagamit nito, kahit ito pa ay idikit sa likod ng kamay o sa mga bahagi ng katawan na palaging gumagalaw.
Ang nasabing display ay nag-papakita ng mga simpleng disenyo at mga videos, tulad ng mga mensahe o wave forms ng electrocardiograms mula sa sensors.
Ang grupo ay pinamumunuan ng isang Propesor sa Tokyo na si G. Takao Someya.
Ani ng Propesor, ang nasabing display ay makakatulong sa pag-papabuti ng mga buhay ng lahat ng henerasyon mula bata hanggang sa mga matatanda. Dahil ang nasabing device ay tinutulungan sila maka-access ng mas madali sa iba’t-ibang impormasyon.
Source and image: NHK
Join the Conversation