Japan, mag-bibigay ng malaking oportunidad para sa mga banyagang propesyonal

Skilled workers, may pag-asa nang makapag-trabaho sa Japan.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Ang bansang Japan ay nag-nanais na tumanggap ng mga banyagang may mga kakayahan o skills, tinatarget nila ang mga trabahong mayroong kakulangan sa mga trabahante kahit na mayroon nang teknolohical na pag-sulong at mas malawak na partisipasyon ng mga kababaihan at mga matatanda.

Aatasan ni Prime Minister Shinzo Abe ang mga ahensya na gumawa ng mga hakbang upang maisulong ang pag-bibigay ng trabaho sa mga banyaga sa isang pag-pupulong ukol sa pang-ekonomiyang konseho nuong Martes. Ito ay pamumunuan nila Chief Cabinet Secretary Yoshihide Suga at Justice Minister Yoko Kamikawa.

Ang layunin nito ay isama ang mga panukala sa diskarte ng paglago ng pamahalaan sa darating na Hunyo.

&nbspJapan, mag-bibigay ng malaking oportunidad para sa mga banyagang propesyonal
Nursing Care at Trabahong Pang-Agrikultura ang ilan sa mga kakailanganin (illustrative image)

Maaaring mapalitan ang ilan sa mga batas pang-imigrasyon. Sa kasalukuyan, mayroong 18 klase na work permit ang bansang Japan, tulad ng mga Doktor at Propesor. Isang grupo na sumasa-ilalim sa Cabinet Secretariat ang tutukoy at pipili kung ano-ano pa ang mga kakailanganing pa-trabaho ang maaaring maidagdag sa listahan.

Maaari din na padaliin ang mga kailangang requirement sa pang-kasalukuyang 18 klase ng mga work permits. Hindi pa maitutukoy kung anong kategorya ang maaaring mapadali ang mga requirements, Ngunit ilan sa mga ito ay mataas ang posibilidad, tulad ng Nursing Care at mga Agriculure.

Nuong nakaraang taon, mahigit 1.28 milyon na banyagang mang-gagawa ang nag-trabaho sa bansang Japan, ito ay ayon sa gobyerno. Tumaas ang dating bilang na 1.1% sa 2% mula nuong taong 2012. Ngunit ang pag-taas ng bilang ay hindi mula sa mga banyagang pumunta sa bansa upang mag-trabaho ngunit dahil sa mga estudyanteng nag-tatrabaho bilang part-timers at technical interns.

Source: Nikkei
Imagem: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund