Naaprubahan na ang outline ng Japanese government noong Biyernes na itaas ang opsyonal na edad upang simulan ang pagtanggap ng isang pampublikong pension sa edad na 71 pataas, sa pagsisikap na masugpo ang problema ng kakulangan sa manggagawa at patuloy na pagbagsak ng birth rate sa bansa.
Ang health ministry ay isasaalang-alang ang pag-revise ng mga kaugnay na batas sa taong 2020, upang hikayatin ang mga tao na nasa kanilang edad na 60 at mas matanda pa na magpatuloy sa pagtatrabaho.
Maraming mga senior na malakas pa at aktibo na mas masigla kaysa sa dati at mataas ang kanilang motivation na magpatuloy sa pagtrabaho o makilahok sa mga aktibidad ng komunidad.
Susuriin ng gobyerno ang “standardization ng mga yugto ng buhay ayon sa mga kategorya ng edad,” ayon sa outline.
Sa kasalukuyan, makakatanggap ang isang tao ng isang pensyon sa anumang yugto sa pagitan ng 60 at 70 taong gulang. Kung ang isang taong pipiliing magsimulang tumanggap ng kanilang pensiyon pagkatapos ng kanilang ika-65 na kaarawan, ang kanilang buwanang matatanggap ay tataas. Ngunit ang pamamaraan na ito ay hindi gaanong nagagamit.
Ang ministry ay magbabantay sa mga kumpanya na magtataas ng edad ng pagreretiro o page-extend ng trabaho pagkatapos ng pagreretiro. Isasaalang-alang nito ang pagbibigay ng suporta para sa mga tao na nagsisimula ng kanilang negosyo at magpo-promote ng telecommuting.
Source: Mainichi Image: Bank Image
Join the Conversation