Ang Japan ay tinagurian bilang pinakaligtas na bansa sa buong mundo upang manganak, ayon sa ulat ng UNICEF na nagbabanggit ng unibersal na pag-access sa kalidad ng pangangalaga ng kalusugan bilang isang kadahilanan na nag-aambag sa mababang mortality rate ng mga bagong panganak na sanggol.
Ang katumbas ng 1 sa 1,111 na sanggol sa Japan ay namatay sa kanilang unang 28 na araw noong 2016, ito ang tinatantyang ulat na sumasaklaw sa 184 na bansa. Sa Pakistan, ang pinaka hindi ligtas na lugar upang manganak, 46 sa 1,000 na sanggol ang namamatay sa kanilang unang buwan.
Ang mga high-income na bansa ang may pinaka mababang bilang ng newborn mortality rates: isang average na 3 deaths per 1,000 live births, kontra sa 27 per 1,000 live births sa mga low-income na bansa. Ngunit ang mababang bilang ng sweldo ay “hindi basehan upang malaman ang totoong dahilan,” ayon sa report. Ang U.S. na may high income, ay may newborn mortality rate na 4 per 1,000 live births — “Ito ay konti lang na diperensya keysa sa mga lower-middle-income countries” katulad ng Ukraine at Sri Lanka.
Ang mga resulta sa Asia ay magkakaiba. Ang Japan, Singapore at Korea ay nasa top 10 na pinakaligtas na mga lugar para manganak, na nagraranggo sa pinakamababang death rate. Pero sa India, Pakistan, China, Indonesia at Bangladesh ay nasa top 10 na pinakamataas na mortality rate sa panganganak.
Para sa Japan at iba mga bansa may pinaka-mababang mortality rate sa panganganak, ang dahil ay ang pagkakaroon ng malakas na health care system, sapat na bilang ng skilled workers, kasanayan ng mga manggagawa, matatag na infrastructure, kalinisan, pampublikong kalusugan, edukasyon, at garantisadong kalidad sa pag-aalaga para lahat ng edad.
Source: Nikkei Image: Bank Image
Join the Conversation