Inaresto ng mga pulis ang isang 65 anyos na lalaki dahil sa hinalang pang-daraya matapos niyang ilihim ang pagka-matay ng kanyang ina ng mahigit 3 taon upang mapanatili ang pag-tanggap nito ng pension ng ina.
Base sa ulat ng Fuji TV, ayon sa mga pulis, inamin umano ni Kiyoharu Ikeda ang ilegal na pag-kolekta ng pera mula sa pension ng ina. Ani umano ng lalaki, kinakailangan niya ang pera upang masustentohan ang kanyang pang-araw-araw na gastusin.
Ayon sa imbestigasyon ng mga pulis, simula Abril ng taong 2012 hanggang Pebrero ng taong 2015 ay ilegal na kumulekta ng pera mula sa pension ng kanyang ina si Ikeda. Hindi umano niya sinabi na ang kanyang ina na kasama niyang nakatira sa kanilang bahay ay pumanaw na. Mahigit 5 milyong yen ang ilegal na kinolekta ni Ikeda mula sa 18 beses na pag-labas ng pera mula sa pension ng kanyang ina sa mga loob ng mga taong nabanggit.
Natuklasan ng Japan Pension Service ang pandaraya matapos makumpirma na pumanaw na ang ina ni Ikeda nuong Hulyo taong 2005.
Ini-imbestigahan pa ng mga pulis kung patuloy pa rin na kinuleta ni Ikeda ang kabayaran ng pension ng kanyang ina matapos na ito ay pumanaw nuong taong 2005.
Source: Japan Today Image: Bank Image
Join the Conversation