Isang Australian, sinentensiyahan ng habang buhay na pagkabilanggo sa kasong child trafficking sa Pilipinas

Sinentensiyahan ng hukuman ng Pilipinas ang isang lalaking Australian ng pagkabilanggo ng habang buhay matapos na mapatunayan siyang may kasalanan sa human trafficking at pornograpiya ng bata.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Sinentensiyahan ng hukuman ng Pilipinas ang isang lalaking Australian ng pagkabilanggo ng habang buhay matapos na mapatunayan siyang may kasalanan sa human trafficking at pornograpiya ng bata.

Si Drew Frederick Shobbrook, 51, ay tahimik na nakinig nang basahan ng hatol sa korte sa Cebu City noong Martes. Ang footage na nakuha ng lokal na broadcaster ng ABS-CBN sa mga paglilitis ay pinakita na si Leslie Ann Fernandez, isang kasabwat at co-accused ay humagugol ng iyak sa tabi ni Shobbrook.

Pareho silang naaresto noong 2013 sa operasyon kung saan 15 batang babae ang naligtas ng mga awtoridad ng Pilipinas.

&nbspIsang Australian, sinentensiyahan ng habang buhay na pagkabilanggo sa kasong child trafficking sa Pilipinas
(illustrative image)

Tatlong sa mga biktima ang nagbigay ng pahayag na ang mga batang babae ay inalok din sa ibang mga dayuhan para sa sekswal na pagsasamantala, ayon sa organisasyon.

Sinabi ni Attorney John Tanagho ng IJM na malakas itong mensahe sa mga perpetrator ng human trafficking para sa online sexual exploitation ng mga bata sa Pilipinas.

Sinabi ng IJM na nagkaroon ng pagtaas ng bilang ng mga kaso na kinasasangkutan ng online na sekswal na pagexploit ng mga bata sa Pilipinas, ang pagkalat ng krimen dahil sa mas maraming tao ang may mga access sa internet. Mahigit sa 80 porsiyento ng mga biktima na naligtas mula sa online na sekswal na exploitation ay mga menor de edad.

Source: Asahi
Image: Bank Image
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund