Ayon sa Tokyo metropolitan government, ang eastern Tokyo pa rin ang magkakaroon ng pinaka malaking pinsala mula sa lindol sa buong metropolitan area, ito ay maaaring mag-sanhi ng pag-guho ng mga gusali at mga sunog, ngunit bumaba ang bilang sa pang-kalahatang pinsala na matatamo ng buong lugar.
Nag-labas ng updated na hazard map ang mga autoridad nuong ika-15 ng Pebrero, ito ay pinaka-una mula pa nuong taong 2013 kung kailan ito huling nag-labas ng update.
Ito ay nag-labas ng five-point scale na mararanasang pinsala kapag nagkaroon ng isang malakas na lindol. Kabilang sa ipinakita ay pinag-halong mga kaso ng sunog at pag-guho ng mga gusali.
Mataas pa rin ang level ng panganib sa eastern Tokyo dahil sa dami ng mga bahay na gawa sa kahoy at makipot na daanan.
Ang nasabing updated na map ay nag-papakita ng mga level ng pinsala para sa mga gumuhong gusali, ito ay bumaba ng mahigit 20 porsyento at 40 porsyento naman ang binaba ng pinsala na maaaring matapo dahil sa sunog, ito ay resulta mula sa ginawang pag-babago sa buong Tokyo Metropolitan area, ang mga lugar kung saan magkaka-lapit ang mga bahay ay niluwagan ang mga makikipot na daanan, at ang mga bahay ay ginawang mga quake resistant at iba pang mga bagay na dapat bigyan pansin upang hindi maka-pinsala kapag magkaroon ng malakas na lindol.
Upang maka-gawa ng Quake Hazard Map, ang survey ay isinasagawa kada limang taon mula pa nuiong taong 1975.
Hinati ng pamahalaan ng metropolitan ang kapitolyo na mayroong 23 wards at western na lungsod sa nasabing lugar sa 5,177 area. Sinuring mabuti ang mga boarders at mga lugar na may potensyal na maka-ranas ng matinding pinsala mula sa gumuhong mga gusali at mga sunog kapag nag-karoon ng lindol na may lakas na 6 hanggang 7 maximum seismic intensity.
Ang level ng pinsala ay sinuri base sa tibay ng lupa, istraktura ng isang gusali, bigat at sukat ng isang gusali, lapad ng daanan at bilang ng oil stove na mayroon ang bawat tahanan sa nasabing lugar.
Ang mapa ay available sa wikang hapon lamang (http://www.toshiseibi.metro.tokyo.jp/bosai/chousa_6/home.htm).
Source: Asahi Image: Toshiseibi
Join the Conversation