Ayon sa pulisya, isang sasakyang pang-konstraksyon ang bumangga sa mga guro at mga estudyanteng may kapansanan sa pandinig nuong Huwebes sa Osaka, na nag-resulta sa pag-panaw ng isang 11 anyos na batang babae at pagka-tamo ng pinsala ng 4 pang katao.
Inaresto ng mga pulis si Takuya Sano, isang 35 anyos na drayber ng nasabing sasakyan sa lugar kung saan nag-lalakad pauwi ang isang batang babae na si Ayaka Ide at 2 pang mag-aaral na kasing edad ng biktima at 2 pang babaeng guro na nasa 40 taong gulang bandang alas-4:00 ng hapon.
Nag-tamo ng pinsala ang 2 batang babae at 2 guro sa isang pampublikong paaralan sa Osaka, Ikuno Ward.
Ang 5 katao ay nag-hihintay sa traffic light malapit sa gate ng paaralan nuong mangyari ang hindi inaasahang insidente, base sa ulat ng mga pulis.
Base sa pahayag ng suspek sa mga pulis, nag-kamali siya ng pag-apak sa silinyador na dapat ay inapak niya sa preno upang mapatigil ang sasakyan nuong nag pula na ang ilaw sa traffic light.
Ang insidente ay nangyari sa isang residential area na mayroong 400 metro ang layo sa Timog na bahagi ng JR Tsuruhashi Station, na kung saan mayrong inaayos na kalsada.
Source: Mainichi Image: TBS News
Join the Conversation