Malapit ng maging available sa Tokaido Shinkansen Lines ang libreng access sa wireless local area networks (WLANs).
Sinabi ng pamunuan ng Central Railway Co. (JR Tokai) at Tokaido Shinkansen Line nuong ika-25 ng Enero na magsisimula na silang mag-lagay ng mga libreng WLAN access sa mga tren at istasyon ng mga ito.
Ang nasabing serbisyo ay ilalagay sa mga modelong N700A-series na bullet train ngayong summer at ito ay naka-schedule na maging available sa mahigit 131 na train na mayroong 2,096 karwahe bago matapos ang taong 2019.
Naging positibo naman ang kasunduan ng mga pamunuan ng West Japan Railway Co. (JR West) at Sankyo Shinkansen Line na gumagamit ng parehong track ng Tokaido Shinkasen Line sa planong kanilang pinag-kasunduan.
Kung gayon, maaasahang magka-karoon ng mga libreng Internet access sa parehong linya ng tren.
Ang JR Tokai ay nag-bibigay na ng libreng WLAN access sa mga pasaherong mayroong kontrata sa mga communication carriers mula pa nuong 2009, ngunit ang bagong serbisyo na kanilang plinano ay libre para sa lahat at hindi na kailangan pang gumawa ng hakbang upang maka-gamit ng nasabing serbisyo.
Mag-lalagay din ng libreng WLAN access sa waiting area ng mahigit 17 na istasyon sa Tokaido Shinkasen Line at Hida express, ang mga nasabing linya ng tren at papular sa mga banyagang turista.
Source: Asahi Image: Bank Image
Join the Conversation