Sa unang pagkakataon, nagsagawa ang Tokyo Metropolitan Government ng isang survey, na tinatantyang ang kabisera ay may humigit-kumulang 4,000 na tinatawag na mga Internet cafe refugee.
Mahigit sa 50 porsiyento sa kanila na naninirahan sa internet cafes at mga pasilidad na katulad nito matapos mawalan ng trabaho o magretiro mula sa trabaho.
Halos 90 porsiyento ang nagtatrabaho, ngunit karamihan sa kanila ay hindi na regular ang kontrata.
Ang metropolitan government ay nakipag-ugnayan sa 502 internet cafes, capsule hotels at iba pang mga pasilidad sa Tokyo at nagtanong ng 1,000 patrons at iba pa sa pagitan ng Nobyembre 2016 hanggang Enero.
Batay sa mga resulta, tinatayang nasa 15,300 na indibidwal ang nagpapalipas ng gabi sa internet cafes at ibang pang lugar kapag weekdays. Ang iba sa mga respondents ay nagsabing sila ay wala ng matitirhan kaya’t doon nalang sila natutulog. Ang resulta ay umabot ang bilang ng mahigit 4000 katao na mga Internet cafe refugee.
Apatnapu’t apat na porsiyento ang nagsabing “paminsan-minsan ay nagpapalipas ng gabi sa mga station o sa kalye.”
Tinanong kung bakit sila naging homeless, 33 porsiyento sa kanila ang nagsabing “hindi nila kayang bayaran ang upa pagkatapos mawalan ng trabaho,” at 21 porsiyento ang nagsabing “umalis ng company dormitory pagkatapos nilang umalis sa trabaho.” 13 porsyento naman ang nagbanggit na “may problema sa kanilang pamilya. ”
47 porsyento ng mga respondent ay kumikita sa pagitan ng 100,000 yen at 150,000 yen ($ 919 at $ 1,379) kada buwan, habang ang 13 porsiyento ay may buwanang kita na nasa pagitan ng 50,000 yen at 100,000 yen.
Ayon sa findings, sinabi ng isang opisyal ng metropolitan government official na ang mga Internet cafe refugees ay nagiging isang diverse group dahil “iba iba ang mga katayuan sa buhay at gayon din sa level ng kanilang kinikita.”
Source: Asahi Image: Bank Image
Join the Conversation