4 naaresto sa pagpuslit ng 100 kg na marijuana sa loob ng pintuan na gawa sa kahoy

Ang marijuana na nakalagay sa loob ng pintuan na gawa sa kahoy ay dumating sa pamamagitan ng isang barko na pang cargo mula sa South Africa hanggang sa Oi Terminal ng Shinagawa Ward.

Share
Facebook Twitter Google LinkedIn Email

Inaresto ng Tokyo Metropolitan Police ang apat na tao, kabilang ang isang miyembro ng organized crime, dahil sa diumano’y pag smuggle ng mahigit sa 100 kilo ng marijuana sa loob ng mga pintuan na gawa sa kahoy, ayon sa ulat ng NHK (Pebrero 15).

Noong Disyembre ng nakaraang taon, si Tsuyoshi Shimozawa, isang 53-anyos na miyembro ng Matsuba-kai nakatira sa Kuki City, Saitama Prefecture, at tatlong iba pang lalaki at babae na suspects ang umano’y pumuslit ng 106 kilo ng marijuana na nakalagay sa loob ng pintuan na gawa sa kahoy na dumating sa pamamagitan ng isang barko na pang cargo mula sa South Africa hanggang sa Oi Terminal ng Shinagawa Ward.

&nbsp4 naaresto sa pagpuslit ng 100 kg na marijuana sa loob ng pintuan na gawa sa kahoy
Inaresto ng pulisya ang 4 katao dahil sa diumano’y pag smuggle ng mahigit sa 100 kilo ng marijuana sa loob ng mga pintuan na gawa sa kahoy (ANN/reproduction)

Ayon sa Osaki Police Station, ang kontrabando, na nakatago sa loob ng mga pintuan na may sukat na 80 sentimetro ang lapad ng 2 metro ang taas, ay may tinantyang street value na 600 milyong yen. Natuklasan ito ng mga opisyal ng customs pagdating nito.

Wala sa mga suspek ang umako sa mga paratang, na pinaniniwalaan ng pulisiya na isang pagtangkang hadlangan ang imbestigasyon, sinabi ng pulisya.

Hinala ng pulisya na dahil sa intensified crackdown sa mga tinatawag na “mapanganib na mga bawal na gamot,” kung saan ay may mga katangian katulad ng narcotics, ay nagresulta sa mga smuggler na subukan ang pag smuggle ng marijuana sa bansa.

Source: Tokyo Reporter
Image: ANN
In this article

Other News


Join the Conversation

.
Car Match
PNB
WU
Super Nihongo
Flat
TAX refund
Car Match
brastel
TAX refund