Hinihinalang mga banyagang turista ang mga nag-lagay ng graffiti gamit ang isang bright pink spray paint sa “Snow Monster” na makikita sa Towada-Hachimantai National Park.
Ang graffiti ay nag-kalat sa halos 100 square meter ng nasabing pasyalan. Ang mga naka-sulat dito ay “Happy Birthday” at iba pang-letra at Chinese letters.
Ang mga punong nababalot ng niyebe sa bulubundukin ng Hakkoda ay gawa ng isang likas na pangyayari, ito ay binansagan na “snow monsters” dahil sa nakakatakot at kakaibang anyo nito. Ito ay pinagkaka-guluhan at dinarayo ngayon ng mga turista mula sa iba’t-ibang bansa.
Ang kinalalagyan ng nasabing pasyalan ay nakapa-ikot sa tuktok ng Hakkoda Ropeway na may taas na 1,324 metro mula s kapatagan ng dagat.
Ilang mga bisitang nag i-ski ang nag-sabi sa pamunuan ng nasabing pasyalan nuong ika-14 ng Enero bandang ala-1 ng hapon na nakakita sila ng isang babae at lalaki na nag-iispray gamit ang isang spray paint sa mga “snow monsters” at sa lugar na naka-paligid rito.
Ayon sa pamunuan ng nasabing kumpanya, ang dalawa ay patuloy na ginawa ang pag-spray sa kalikasan kahit na sila ay pinag-sabihan na ng iba pang mga taong naka-kita sa kanila.
Ang nasabing graffiti ay agad naman na nilinis ng mga staff ng kumpanya na umabot ng halos isang oras.
Source: Asahi Imagem: NHK
Join the Conversation