Ang 2018 Snow Festival ay gaganapin simula ika-5 hanggang ika-12 ng Pebrero.
Ang Sapporo Snow Festival o Sapporo Yuki Matsuri ay ipinag-diriwang tuwing unang linggo ng Pebrero sa Kapitolyo ng Hokkaido na sa Sapporo. Ito ay isa sa pinaka-papular na event sa Japan tuwing tag-lamig.
Nag-simula ang Sapporo Festival nuong 1950, nang gumawa ng mga snow statues ang ilang mga high school students sa Odori Park. Ito ay lumawak at na-develope, naging commercialized ang mga event at ngayon ito ay nag-hahandog ng mga magagandang snow at ice sculptures na umaakit sa mahigit 2 milyong bisita mula sa Japan at mga turista mula sa iba’t-ibang bansa.
Ang Snow Festival ay nasa 3 lugar: Odori Site, Susukino Site, at Tsu Dome Site.
Ang main site ay ang nasa Odori Site sa sentro ng Sapporo na matatagpuan sa Odori Park na mayroong layo na 1.5 km. Ang mga sikat na nag-lalakihang snow sculpture ay naka-exhibit sa nasabing lugar. Karamihan rito ay sumusukat ng mahigit 25 metro (lapad) at 15 metro (taas). Ito ay bukas araw-araw hanggang alas-10:00 ng gabi.
Maliban sa mahigit isang dosenang nag-lalakihang sculptures, ang Odori Site rin ay mayroong mahigit 100 maliliit na snow statues na kasama sa kanilang exhibits. Ito rin ay nag-ho-host ng ilang mga konsyerto at events, na kung saan ginagamit nila bilang stage ang ilang mga sculptures.
Makikita mula Sapporo TV Tower na nasa dulong silangan ng Odori Park ang magandang tanawin ng Odori Site. Nag-bibigay ng extended na oras ang nasabing tower kapag ipinag-diriwang ang nasabing festival, ito ay mag-bubukas mula alas-8:30 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi. Para sa mga adult, 720 yen ang halaga ng babayaran upang maka-punta sa Top Observatory Deck. Ang 1100 yen na halaga na ticket naman ay para sa Morning at Night visit.
Ang Susukino Site, na naka-talaga at inalin-sunod sa pangalang ng isa sa malaking entertainment district ng Sapporo ay nag-eexhibit naman ng mahigit 100 Ice Sculptgures. Isang sakay lamang sa subway sa bandang Timog ng Odori Park. Ang mga ice sculture ay araw-araw na iniilawan hanggang alas-11 ng gabi (ngunit hanggang alas-10 lamang ng gabi sa huling araw ng festival).
Ang Tsu Dome Site ay wala sa sentro, ito ay isang family-oriented site na kung saan makaka-kita kayo ng 3 iba’t-ibang klase ng slide na gawa sa niyebe, snow rafting at marami pang-ibang snow sculpture. Maraming food stand at mga stages para sa mga event ang makikita sa loob ng Dome. Ang Tsu Dome Site ay bukas araw-araw mula alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon. Ito rin ay ilang araw na mau-unang mag-bukas bago pa mag-simula ang festival. Ito ay mag-bubukas sa ika-1 ng Pebrero, taong 2018.
Para sa karagdagang impormasyon: Snowfes (in Japanese and English)
Source: Japan Guide Images: Wikimedia
Join the Conversation